^

PSN Showbiz

P4M totoo! Belo 'di kumagat sa blackmail

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Umapir pala si Mahal sa Cool Center noong Sabado ng gabi dahil pinag-usapan ang kanyang video scandal.

Pero hindi ang video scandal ni Mahal ang gusto kong ikuwento sa inyo. Bilib kay Mahal ang staff ng Cool Center dahil kahit short notice, dumating siya sa studio, itsurang bumiyahe pa siya mula sa Imus, Cavite. Ganyan ka-propesyonal si Mahal.

Hindi siya nagtanong ng TF. Hindi na niya inusisa ang mga itatanong sa kanya nina Eugene Domingo at Anjo Yllana. Basta nangako siya na darating at dumating nga siya.

Hindi ko napanood ang guesting ni Mahal pero may nagkuwento sa akin na short and sweet ang interview, kesehodang literal na short ang kanyang height.

* * *

Hindi pralala ang balita na P4 million ang hinihingi kay Dr. Vicki Belo ng tao na gusto siyang i-blackmail.

Ipinagtapat ito sa akin ni Mama Vicki nang magkita kami, bago pa inihayag sa publiko ng kanyang abogado ang modus operandi ng extortionist.

Hindi pinatulan ni Mama Vicki ang pananakot sa kanya dahil kahit pagbigyan niya ang demand ng extortionist, hindi siya makakasiguro na hindi kakalat ang mga sex videos ni Dr. Hayden Kho at ganito na nga ang nangyayari ngayon.

* * *

Pinaglalaruan na ng ilang mga kababayan natin ang isyu ng sex video nina Hayden at Katrina Halili.

May mga nagbiro na si Katrina ang unang victim ng swine flu dahil sa kanyang dialogue na binaboy siya ni Hayden. Sensitibo ang isyu pero nakaisip pa rin ang mga insensitive na paglaruan ang eskandalo. Ewan ko lang kung makapagbiro pa ang mga tao na ito kung sila ang masangkot sa nakakalokang eskandalo.

Pati ako idinamay sa isyu. Malapit na rin daw lumabas ang sex video namin ni Hayden. Napikon ba ako? Wiz ’noh!

Hindi ko type si Doc Hayden at never ko siyang papatulan dahil BFF kami ni Mama Vicki. Hindi ako ahas ‘noh! At kung may sex video man ako, may interesado ba na manood?

Hmp! Talagang pinatulan ko raw ang kagagahan ng ibang tao na nagkakalat ng balita na may sex video rin ako. Hahahaha!

* * *

Naalaala ko tuloy nang tawagan si Doc Hayden sa telepono ng isa naming common friend.

Ang sey ng aming kaibigan, “Hit na hit ka ngayon ah!”

Ang sagot ni Doc Hayden, “Baka hate na hate.”

At least, alam niya pala na marami ang nagagalit sa kanyang ginawa. Dapat talaga siyang magsisi pero kailangang bukal sa loob ang kanyang pagsisisi. Nakukulangan ang mga tao sa apology na ginawa niya dahil hindi mabubura ng kanyang paulit-ulit na sorry ang milyun-milyon na yatang kopya ng mga sex videos niya na pinagpipistahan sa Pilipinas at iba’t-ibang panig ng mundo.

vuukle comment

ANJO YLLANA

COOL CENTER

DOC HAYDEN

EUGENE DOMINGO

HAYDEN

HAYDEN KHO

KANYANG

MAMA VICKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with