^

PSN Showbiz

Pinoy music artists paparangalan ng 101.9 For Life

-

MANILA, Philippines - Samahan na ang mga Bespren mo sa 101.9 For Life at sabay-sabay bigyang pugay ang natatanging talento at pagkamalikhain ng mga Pinoy music artists sa pinakaunang Waki Opm Music Awards na gaganapin ngayong April 25 sa SM Mall of Asia Music Hall.

Hindi tulad ng ibang music awards, tanging mga orihinal na awitin na talaga namang 100% gawang-Pinoy ang mapapasama sa opisyal na talaan ng mga nominado habang ang mga revivals, music sampling (para sa rap songs), at Tagalized versions ay hindi kabilang o disqualified.

Nominado para sa kategoryang Album of the Year sina Yeng Constantino (Journey), Sandwich (S Marks the Spot), Itchyworms (self-titled album) at Moonstar 88 (Todo-Combo).

Sina Martin Nievera, Bugoy Drilon, Piolo Pascual at Rico Blanco naman ay naglalaban-laban para sa Male Vocalist of 2008 habang sina Sarah Geronimo, Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Laarni Lozada at KC Concepcion ay maghaharap-harap sa Female Vocalist of 2008.

Para sa Band of the Year, magtatagisan ng galing ang mga tinitingalang banda ng Itcyhworms, Hale, Spongecola, Sandwich, Moonstar 88, Cueshe, at Imago.

Nagkakahamunan din sina Bugoy Drilon, Laarni Lozada, Bea Alonzo at KC Concepcion para sa kategoryang Breakout Star of 2008.

Pagdating naman sa song categories, nominado ang mga hit songs na Habambuhay (Yeng Constantino); Paano na Kaya? (Bugoy Drilon); Migraine (Moonstar 88); Ikaw ang Pangarap (Martin Nievera); at Kahit Na (Sarah Geronimo) para sa Senti Hit Award samantalang ang mga dance crazes na Giling Mo (Mocha); Supahpapalicious (Vhong Navarro); Sumayaw Ka (Gloc 9); Giling Giling (Willie Revillame); and K.I.T.T.Y. (Kitty Girls) ay nominado para sa Dance Hit category.

Humihigpit na rin ang labanan sa pagitan ng mga awiting I’ll Be There For You nina Sarah Geronimo at Howie Dorough, Ang Sarap Dito ng Project 1 at Simbang Gabi ni Yeng Constantino para sa Best Collaboration of 2008 habang isa sa mga novelty hits na Giling-Giling ni Willie Revillame, Angkas ng Masculados, Supahpapalicious ni Vhong Navarro at Malivodka ni Andrew E. ay nalalapit ng hiranging Best Novelty Song.

 Sinu-sino nga kaya ang magwawagi?

vuukle comment

DRILON

LAARNI LOZADA

MARTIN NIEVERA

MOONSTAR

PARA

SARAH GERONIMO

VHONG NAVARRO

WILLIE REVILLAME

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with