^

PSN Showbiz

Pares ng hikaw ni Kris P6 M ang halaga

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Naimbitahan kami sa live telecast ng SNN (Showbiz News Ngayon) hosted by Kris Aquino at Boy Abunda.

Sinabi ni Kris na mas enjoy siyang mag-host sa gabi kesa araw dahil may time pa siyang mag-yoga sa umaga. Sa isang balita, napag-usapan si Snooky na nakabawi matapos ang matagal-tagal na maka­ranas ng kahirapan.

“Wala namang masama kung mag-pedicab kung talagang wala kang sasakyan. Ako nga muntik nang mag-taxi noong Huwebes dahil pumila sa lotto ang aking driver dahil sa premyong tatamaan. Hindi ako nahihiyang mag-taxi,” anang aktres.

May ilang kuwento kapag in between takes si Kris ay mage-enjoy ka sa pakikinig gaya nang pagsa­sa­bing suot niya nang gabing ’yon ang may karat na hikaw na ang isang piraso lang ay nagkakahalaga ng humigit sa P3M - P6 M kung pares.

* * *

Kuwento sa amin ni Sheryl Cruz na kasama sa Luna Mystika, pinagagawan nito ng museleo ang libingan ng kanyang yumaong amang si Ricky Bel­mon­te. Gusto niyang makabawi sa kanyang daddy lalo pa nga’t hindi siya nakadalo sa libing nito.

Siya ngayon ang tumatayong mommy at daddy ng anak na si Ashley na pitong taong gulang na.

Hindi siya sigurado kung makakadalo si Norman Bustos (dating asawa nito) sa birthday ng anak sa May 6. Hinihintay ng aktres ang kanilang divorce papers.

Abala naman ang aktres gaya ng Luna Mystika kung saan kontrabida ang karakter nito at sa March 12 ay simula na ang kanyang Obra at excited na ito sa paghahanda ng album para sa WOW Music.

* * *

Ngayong Linggo ay comeback episode ng Wow Mali! hosted by Joey de Leon sa TV 5 at guest niya si Joey Marquez sa Everybody Hapi at magiging re­union nila ni John Estrada na kasama nito sa Palibhasa Lalaki at Kool Ka Lang na sidekick si Long Mejia.

* * *

Nagbago na nga yata si Jolo Revilla na kasama sa Totoy Bato. Limitado na ito sa pagsasalita. Nang tanungin namin kung ano ang regalo kay Lovi Poe noong Valentine’s Day ay sinagot niya kami ng “secret.” Sa kanila na lang daw yun ng kanyang nobya.

Nakakadalaw na daw siya sa bahay nina Lovi pero nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa pagha­harap ng mommy ng girlfriend, dedma ito sa tanong.

“Baka naman hanggang gate lang siya kaya hanggang ngayon ay ’di pa nakakausap ang mommy ni Lovi,” komento tuloy ng isang kapatid sa hanap­buhay.

vuukle comment

BOY ABUNDA

EVERYBODY HAPI

JOEY MARQUEZ

JOHN ESTRADA

JOLO REVILLA

KOOL KA LANG

KRIS AQUINO

KUNG

LUNA MYSTIKA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with