^

PSN Showbiz

Tsismis ng stewardess Dra. Belo kinupitan ni Dr. Hayden sa eroplano

-

Kahit ang manager ni Beth Tamayo na si Tita Annabelle Rama ay walang alam na rason tungkol nangyaring hiwalayan ng kanyang alaga at ng asawa nitong si Johnny Wong. Basta sinabi lang daw sa kanya na gusto na niyang (Beth) umalis sa Luna Mystika na importante pala ang role kaya hindi basta-basta puwedeng ‘patayin’ ang character .

But anyway, nang pilitin daw nilang alamin ang rason, basta ang sinabi lang daw ni Beth ay may problema siya sa marriage pero ayaw daw nitong magbigay ng iba pang detalye.

Actually, matagal-tagal na ring naba-blind item na hiwalay na nga si Beth sa kanyang asawa na nagma-may ari ng mga casino sa Guam.

Kahit noon naman ay nababalitang mayaman si Mr. Wong. At katunayan, marami raw itong biniling property sa bansa na ibinigay kay Beth. Lahat ng gusto ni Beth ay ibinigay daw ng asawang nesgosyante at maging ang magulang ng aktres ay nabigyan nito ng bahay at lupa.

Unang na-link si Mr. Wong kay Patricia Javier.

* * *

Totoo kayang wanted sa Federal Bureau of Investigation ang isang personalidad na may link sa showbiz?

May nakabasa sa isang web ng tungkol dito pero kino-confirm pa nila kung totoo ang balita.

* * *

Ang ganda ng bagong renovate na bahay ni Mother Lily Monteverde sa Greenhills kung saan ginanap ang isang New Year salu-salo para sa ilang malalapit niyang kaibigan.

Paalis na ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres nang dumating ako. Palabas na rin sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at hindi na nagtagal si Lorna Tolentino.

Marami pang ibang mga kaibigan ng producer ng Regal ang nakisaya sa nasabing New Year party na akala namin noong una ay maliit na dinner lang.

Pasasalamat na rin daw yun ni Mother dahil parehong kumita ang Desperadas at Shake Rattle and Roll na parehong pinilahan sa sinasagawa pa ring Metro Manila Film Festival.

* * *

Nagulat naman ako sa sinabi ni Zanjoe Marudo na necklace with heart shape pendant ang Christmas gift niya kay Mariel Rodriguez sa The Buzz kahapon. Samantalang last December 30 sa presscon ng bago nilang show nina John Prats at Jayson Gainza, Parekoy na magsisimulang mapanood today sa ABS-CBN na Christmas card at gift certificate ang regalo niya sa girlfriend dahil kailangan daw ng girlfriend niya ng pambili ng giveaways. Bakit kaya biglang naiba?

* * *

Kaloka marami nang nakakalkal na kuwento sa hiwalayan nina Dra Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. May nagkuwento naman ngayon na umano’y kinukupitan daw ng bagets na doktor si Dra. Belo habang nakasakay sila sa eroplano. Stewardess daw ang witness sa ginawa ni Dr. Kho na sa tuwing tatayo raw si Dra. Belo papunta sa CR ay sumasalisi ito sa bag ng dyowang doktrora.

Isang jetsetter ang nagkuwento tungkol dito dahil inis na inis daw ang stewardess kay Dr. Hayden kaya itsinika sa kanya.

OMG (oh my god), malamang marami pang mga nakakalokang kuwento na lalabas.

vuukle comment

BELO

BETH TAMAYO

DAW

DR. HAYDEN

DR. HAYDEN KHO

DR. KHO

DRA

MR. WONG

NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with