^

PSN Showbiz

Gretchen 'di kasali sa pagkikita-kita ng pamilya

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Abalang-abala ngayon si Konsehal Marjorie Bar­retto sa pag-aasikaso sa mga detalye ng gaganaping 50th wedding anniversary ng kanilang mga magulang.

Sa November 23 ang selebrasyon na gagana­pin sa Fernwood Garden, ikakasal uli sina daddy Mike at mommy Inday Barretto, kaya hindi simpleng party lang ang magaganap.

Madalas naming ka­usap si mommy Inday, kahit hindi siya palala­bas ng bahay ay wa­lang nakalilig­tas na kuwen­tong-showbiz sa kanya, alam na alam niya ang mga nangya­yari sa mundong gina­galawan ng kanyang mga anak.

Siya ang klase ng nanay na kapag napa­pa­gitna sa kontro­bersiya ang anak ay tahimik lang na nagdaramdam. Hindi siya puwedeng tawaging stage mother dahil hindi siya mahilig umeksena.

Naglalabas din siya ng saloobin, ipinagtatang­gol niya siyempre ang kanyang mga anak, pero bi­hi­rang-bihira lang siyang humaharap sa camera para mainterbyu.

Regular silang nagkikita-kita nina Claudine at Mar­jorie. Sila na ang pinupuntahan ng mga ito, hin­di tulad noong mabilis pa silang kumilos ni dad­dy Mike na silang mag-asawa ang dumadalaw sa bahay ng kanilang mga anak.

Siguro’y may nagtatanong sa kanilang isip ngayon, bakit sina Claudine at Marjorie lang ang bi­nang­git namin, samantalang meron pa silang Gretchen ni daddy Mike?

Basta, alam naming mahal na mahal ni mommy Inday ang kanyang mga anak at mahal din siya ng mga ito, kasali na si Gretchen.

* * *

Nakauwi na sa kanilang mansiyon sa Imus, Ca­vite si dating Senador Ramon Revilla, Sr. Magdadalawang buwan ding na-confine sa St. Luke’s Medical Center ang ak­tor-pulitiko pero ngayon ay maa­yus-ayos na ang kanyang kalagayan.

Dun dumadalaw ngayon ang magkakapatid na Revilla, halos araw-araw silang dumadalaw sa ka­ni­lang ama, kahit gaano pa katrapik ang pagpunta sa kanilang bahay sa Cavite ay hindi hadlang yun sa kanilang pagbisita kay Tito Ramon.

Hindi lang dahil sa hinahanap sila ng ma­tan­dang Revilla, talagang ganun kamaasikaso sa ka­nilang ama ang magkakapatid. May kani-kanyang schedule nga sila sa pagbabantay sa ospital noon pero ang nangyayari ay sabay-sabay pa rin silang nandun para makasama ang kanilang ama.

“Nung una po, nandun kaming lahat, pero halos hindi naman kami umiimik. Yun po ang time na nasa ICU pa ang daddy ko, lahat kami, nag-aalala sa situation niya.

“Pero nung umayos na ang condition niya, nagkukuwen­tuhan na kami, meron nang mga nagsasalita, hindi na kasi kami masyadong ten­si­yonado sa kalagayan ni daddy,” kuwento ni Prin­cess Revilla.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin masya­dong naigagalaw ng dating senador ang ka­liwang bahagi ng kan­yang katawan. Meron naman itong therapist, pero napakalaki ng naga­gawang pag-aalaga sa kanya ni dating Senador Robert Jaworski.

“Si Kuya Sonny ang tumututok sa kanya, alam kasi niya yun, talagang regularly, siya ang nag-aasikaso kay daddy,” kuwento naman ni Marlon Bautista.

Malayo ang Rizal sa Cavite, pero ang mag-asawang Governor Junjun Ynares at Andeng ay hindi nakalilimot dumalaw, sa ganung aspeto kapuri-puri ang magkakapatid, magkakatulong sila sa lahat ng bagay.

Dahil marami itong trabaho ay may mga panahong wala sa tabi ng kanyang ama si Senador Bong Revilla, pero hindi ito nagpapabaya kasi panay-panay ang pagtse-check nito.

Mapapaaga ang paggaling ng dating senador dahil sa dami ng nagmamahal sa kanya, ang klase ng pagmamahal na ganun ang gamot na hindi nabibili sa kahit saang botika.

vuukle comment

CAVITE

CLAUDINE

FERNWOOD GARDEN

GOVERNOR JUNJUN YNARES

GRETCHEN

PERO

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with