^

PSN Showbiz

Angel 'di pwedeng drama princess ng Dos

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi ako magtataka kung may nerbiyos man si Ryan Agoncillo sa pagsisimula ng Pieta, isang magandang nobela ni Carlo J. Caparas na isinalin sa telebisyon. Napakahi­rap nga namang sundan yung record na nagawa nina Ace Vergel at Charito Solis na siyang unang gumanap ng mga roles na bubuhayin ngayon nina Ryan at Cherie Gil bilang mag-ina sa TV.

Balita ko, maraming pag-aaral ang ginawa ni Ryan bilang paghahanda sa kanyang role. Nakatulong pa ang anim na buwan na wala siyang project, nakapag-around the world siya, talagang nakapag-soul searching. Nakapag­labas din siya ng isang coffeetable book.

Hindi ko rin masisi si Judy Ann Santos kung dumalaw siya sa set para suportahan ang nobyo. Huwag sanang bigyan ng masa­mang kahulugan kung sa pagdalaw niya ay mati­yempuhan niyang lovescene ang kinuku­nan. Nagkataon lang ito at hindi ibig sabihin ay nagbabantay na siya. ’Di naman ganoon ka-insecure si Juday.

Come to think of it, magtatapos na ang taon pero saka pa lamang dumarating ang mga challenges for Ryan. Bukod sa Pieta, andyan pa rin ang Pinoy Fear Factor na siya ang host. Naniniwala akong mamaniin lang niya iyon. Magaling siyang host. Pero bilang artista, may patutunayan pa siya. ’Di ba, Ryan?

* * *

Masaya ako na nakapag-usap na pala sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Dapat talaga maging magkaibigan sila maski na para lang sa kapakanan ng anak nilang si KC Concepcion. Matagal na yung naganap sa kanila, pwede nang kalimutan. Tutal pareho na silang may kanya-kanyang pamilya at masaya naman sila. Inamin ni Gabby na it was him who broke the ice. Tinext niya pala ito nang mamatay ang daddy Rollie niya.

Okay din kay Gabby na magkaro’n sila ng project na magkasama ng dating asawa. Sana raw makasama pa nila si KC. Oo nga naman. Bakit hindi? For sure magiging bockbuster ang pelikula nila.

* * *

Napaka-cruel naman yung mga nagti-text kay Kris Aquino para lang sabihing three months na lang ang itatagal ng mom niya, former president Cory Aquino. Favorable ang resulta ng last CT scan nito. Bukod dito kumakain na raw ang mom niya at nagsisimula nang magpinta.

* * *

Bakit kaya pinag-aaway sina Claudine Barretto at Angel Locsin? Hindi naman siguro totoo na pinagkukumpara sila dahil malaki na ang kalamangan ni Claudine kay Angel, hindi lamang sa tagal nang ipinaglilingkod nito sa Dos kundi maging sa pagiging artista nito. They can not be both drama princess dahil hawak na ni Claudine ang titulong ito dati pa. Angel can be the next drama princess and Claudine the next drama queen.

Hindi naman nakapagtataka if they don’t see eye to eye dahil nga pinagsasabong sila. Sana lang ’di sila maapektuhan ng mga intriga.

vuukle comment

ACE VERGEL

ANGEL LOCSIN

BAKIT

BUKOD

CARLO J

CHARITO SOLIS

CHERIE GIL

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with