^

PSN Showbiz

FHM 'di bumenta, Pagbuyangyang ni Jean wa epek ; Dingdong at Karylle sinusubukang i-save ang relasyon

-

Seen : Ang interbyu kay Sharon Cuneta ng mga reporter na sumalubong sa kanya at nagtanong kung totoo na hiwalay na sila ng asawang si Senator Francis Pangilinan. “ I’m burned out of intriga, “ ang pahayag ng Megastar.

Scene : Ang pagtanggi ni Pauleen Luna na magsalita tungkol sa panliligaw sa kanya ni Gerald Anderson. Ayaw ni Pauleen na maging kontrabida sa loveteam nina Gerald at Kim Chiu.

Seen : Si Patani ng Survivor Philippines sa mga TV show kahapon ng GMA 7. Napanood siya sa Eat Bulaga, Startalk at Kapuso Mo Jessica Soho. Natupad na ang “ Exfosyur “ na inaasam ni Patani. Malapit na siyang ma-over exfows.”

Scene : Ang gumagandang eksena ng Iisa Pa Lamang. Bagay kay Claudine Barretto ang bida-contravida role ngunit mas magaganda ang mga damit na ipinapasuot kay Angelica Panganiban ng stylist ng show.

Seen :  Hindi masyadong mabenta ang October 2008 issue ng FHM. Si Jean Garcia ang cover girl. Hindi click sa mga kalalakihan ang pagpapaseksi ni Jean.

Scene : Hindi mawala ang tsismis na hiwalay na sina Dingdong Dantes at Karylle Tatlonghari. Malapit sa kanila ang nagsasabi na pinipilit ng dalawa na i-save ang relasyon nila.

Seen :  Ang manager ni Phil Younghusband na palaging nakabuntot sa lahat ng lakad niya. Nasasakal na si Phil. Nagrereklamo na siya sa pagiging over-protective ng kanyang manager.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CLAUDINE BARRETTO

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

GERALD ANDERSON

IISA PA LAMANG

KAPUSO MO JESSICA SOHO

KARYLLE TATLONGHARI

KIM CHIU

MALAPIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with