^

PSN Showbiz

Batang aktor nagtangkang tumalon sa NLEX

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Matagal kaming nagkwentuhan ng isang taong malapit sa sikat na young actor na ito. Mabuti nga raw at nagbago na ito nang tuluyan, nakawala na sa masamang bisyo, masaya na ngayon at kuntento sa buhay dahil may matatawag nang pamilya ang magaling na young actor.

Maganda ang takbo ng kanyang career at sunud-sunod ang proyekto kung saan siya pa ang bida.

Say ng source ko, ‘‘Dating magulo ang kanyang buhay dahil gumamit siya ng masamang damo. Confused siya at walang tamang direksyon ang buhay dahil sa pamilya, sa nobya at sa career. May pagkakataon nga na dahil sa masamang bisyo ay nagtangka itong mag-suicide. Would you believe nakasakay siya sa aking sasakyan at gustong tumalon sa tulay ng NLEX?

“Ngayon tuluyan na siyang nagbago at ako ang unang-unang natuwa dahil parang anak ang turing ko sa kanya!”

* * *

Bagay na bagay kay Richard Gomez ang maging host ng paborito kong Family Feud na makakatapat ng Kapamilya: Deal or No Deal ni Kris Aquino. Pero para kay Goma, friendly competition lang ang mangyayari dahil very close ang TV host-actress sa kanyang asawang si Lucy Torres.

Ayon pa kay Goma, malaki ang following ng show ni Kris dahil established na ito. ‘‘We’re trying our best na mapaganda rin ang aming show para mag-rate rin kami. Paborito ko eversince ang Family Feud at natutuwa ako na sa akin ito napunta. Noong mag-audition si Ogie (Alcasid) akala ko ay sa kanya ito mapupunta. Pero ako ang napili ng GMA 7 at nalaman kong mismong ang mother company na Fremantle ang pumili sa akin,’’ aniya.

* * *

Si Richard Gutierrez ang napiling endorser ng Unique Toothpaste dahil guwapo, talented, hard­working at wholesome ang image ayon sa ACS Manufacturing Company president na si Alfonso Supetran.

‘‘I’m happy na napili akong endorser ng produkto dahil nabigyan ako ng pagkakataong idirek ang action capabilities ng produkto lalo na ang mga stunts. Higit sa lahat, I’m proud to endorse a product that is local, reasonably prized, and of high quality like other brands,’’ sey ni Richard.

vuukle comment

ALFONSO SUPETRAN

DAHIL

FAMILY FEUD

GOMA

KRIS AQUINO

LUCY TORRES

MANUFACTURING COMPANY

NO DEAL

PERO

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with