^

PSN Showbiz

Kapamilya walang coverage Gabby mas binigyan ng importansiya ng GMA 7

-

Seen: Ang pagrereklamo at pana­nakot ni Lito de Guzman sa staff ng All Star K. Si Lito ang manager ng Bay­walk Bodies. Pinagbibintangan niya na dinaya ang kanyang mga alaga na su­mali sa All Star K noong Linggo. Nag­pa­liwanag ang staff na walang ba­sehan ang reklamo ni Lito. Ayaw tang­gapin ni Lito ang kanilang pali­wanag.

SCENE : Ang dinu­mog na album launch ni Sarah sa Music Hall ng Mall of Asia. Click na click sa mga tao ang sun dan­ce ni Sarah. Mahaba ang pila sa autograph-signing ng CD ni Sarah. Hindi siya naringgan ng rekla­mo.

SEEN : Mga young ac­tor na kaila­ngan ng ex­tensive acting work­shop: Al­jur Abreni­ca, Carlo Guevarra at Ejay Falcon.

SCENE: Ang mabilis na sagot ni Cris­ty Fermin sa mga patutsada ni Nadia Montenegro sa The Buzz noong Linggo. Sinabi ni Cristy sa text mes­sage na ipinadala niya sa The Buzz na tinakpan na dapat ng mga magulang ni Nadia ang ilong nito noong maliit pa. Nasa Canada si Cristy. Kasama siya sa show ng grupo ng Wo­wo­wee.

SEEN : Ang reklamo na bumalik ang pagiging reklamador ni Arnell Ig­nacio. Mahirap nang mabago ang ugali ni Arnell. ’Yon ang kan­yang natural na asal.

SCENE : Ang live coverage ng GMA 7 sa libing ng tatay ni Gabby Con­cepcion noong Linggo. Wa­lang live coverage ang ABS-CBN. Binigyan ng importansya ng Ka­puso ang aktor na Kapamilya.

SEEN: Sina Alma Concepcion at Katrina Halili sa SOP. Ang mga babae na hindi na maa­aring ma­ging mga bida ng Hiram na Mukha dahil ginawa na ito noon ni Heart Evangelista sa ABS-CBN. Ibang-iba na ang mga itsura nina Alma at Katrina.

SCENE : Ang role ni AiAi delas Alas sa I Love Betty La Fea. Si AiAi ang ina ni Betty. Sayang ang partisipasyon ni AiAi. Kulang sa challenge ang kanyang papel. One of those lang siya.

vuukle comment

ALL STAR K

ARNELL IG

CARLO GUEVARRA

EJAY FALCON

GABBY CON

HEART EVANGELISTA

LINGGO

LITO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with