^

PSN Showbiz

Yayo Aguila kinasuhan ni Baron ng perjury

-

Isinampa kahapon ng aktor na si Baron Geisler sa Department of Justice ang kasong perjury laban sa dati niyang housemate na si Yayo Aguila na ina ng umano’y binastos niyang dalagang si Patrizha Martinez.

Sinabi ni Baron sa kanyang complaint-affidavit na walang kinalaman sa kasong act of lasciviousness na isinampa ni Patrizha laban sa kanya si Yayo dahil nasa Amerika ito nang maganap.

Binago anya ni Yayo ang testimonya nito hinggil sa umano’y pambabastos niya kay Patrizha sa isang bar sa Makati City kaya inireklamo na niya ang ina nito ng pagsisinungaling.

Subalit ayon sa abo­gado ng mga Martinez, ang reklamo ni Baron ay  delaying tactics lamang laban sa kanila dahil sa ang inilagay lamang ni Yayo sa kanyang affidavit ay nang tumawag ang kanyang anak sa kanya at ikinuwento ang nang­yari sa kanya.

Malaki naman ang paniniwala ng abogado na magiging pabor sa kanila ang ilalabas na desisyon ng DOJ laban sa nasabing kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AMERIKA

BARON GEISLER

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

MAKATI CITY

PATRIZHA

PATRIZHA MARTINEZ

YAYO

YAYO AGUILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with