^

PSN Showbiz

Asawa ni USEC mas epektibong artista

-

Noon ay bukambibig ang mga katagang ‘‘artista lang yan’’ kapag may inilalarawang personalidad na gustong maging bahagi ng showbiz.

Ngayon may mga bagong mukha na masasabing well-educated at matagum­pay na entrepreneurs.

Isa sa magandang halimbawa nito ay ang napakagandang si Elyza Rivera na paboritong kunin para sa soap opera kung saan tapos ito ng Mass Communications sa Lyceum of the Philippines at kumukuha ng MBA sa Ateneo Graduate School of Business sa Rockwell, Makati.

Laging take one si Elyza kaya paboritong kunin ng mga direktor sa soap opera kung saan ilan sa karakter na nagampanan ay secretary ni Richard Gomez sa Marimar, matapat na dama ni Eula Valdez sa Kamandag, kaibigang matalik ni Ana Roces sa Impostora at kaibigan ni Iza Calzado sa Joaquin Burdado.

Si Elyza ay kumbinasyon ng beauty and brain dahil consistent honor student ito, Dean’s Lister at campus beauty queen noong college days. Isa rin siyang scholar na nagmula sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Kahit maybahay siya ni USEC Robert Rivera at isa sa pinakamasipag na cabinet member ay nanatiling simple at mababa ang loob ni Elyza.

Hindi kataka-takang gumawa ng malaking pangalan balang araw ang aktres dahil magaling siyang umarte, preparado kapag dumating sa set, mahusay makisama sa mga kasamahang artista, dumarating ng maaga sa set at mahal ang trabaho. Hindi naman ito nagmamadali dahil kahit maliit ang role basta’t makabuluhan ay tinatanggap niya.

Kapag hindi abala sa showbiz commitment ay nag-aasikaso ito sa kanyang salon at spa sa may Highway 54 sa EDSA.

Laging ang Panginoon ang sentro ng buhay bilang born-again Christian kaya nagtatagumpay sa lahat ng adhikain.

Ngayong June 7 co-host ito at presentor ng Pilipinas Ngayon Na sa NBN Channel 4 mula 6-7:00 pm na nagdiriwang ng ikatlong taong anibersaryo ng FAMAS Presidential at Anak TV Seal Awardee Television Program. (Emy Abuan)

vuukle comment

ANA ROCES

ATENEO GRADUATE SCHOOL OF BUSINESS

ELYZA

ELYZA RIVERA

EMY ABUAN

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with