^

PSN Showbiz

Judy Ann, imbyerna na sa gamitan isyu ng ‘anak’ nila ni Ryan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ikakasal na si Capt. Jude Estrada sa June 2 pero hindi pa kumpleto ang mga detalye tungkol sa kanyang church wedding.

Basta ang sabi niya, happy si Papa Joseph Estrada at ang kanilang pamilya sa kanyang nalalapit na pagpapakasal.

Type ko na makilala ang mapalad na babae na makakasama ni Jude sa habang buhay. Siyempre, gusto ko silang i-wish ng good luck sa nalalapit  na malaking okasyon sa kanilang buhay.

Malaking okasyon dahil siguradong mga sikat na pulitiko ang imbitado dahil maraming friends sa politika at showbiz ang Estrada family.

* * *

Nahalata ko ang pagkairita ni Judy Ann Santos sa mga nang-iintriga na ginagamit niya ang kanyang anak para mapag-usapan.

May mga tao kasi na ginagawan si Juday ng isyu kapag nagkukuwento ito at sumasagot sa mga tanong tungkol sa anak niya.

Matigas ang boses ni Juday nang sabihin nito na never niyang gagamitin si Yohan kahit huling sentimo ang kanyang datung. Hindi raw niya gagawin na palaman sa tinapay ang bagets. O ’di ba, masyadong matalinghaga ang siney ni Juday?

Kaya sa mga nagpapadala ng email sa mga kolumnista para siraan si Juday, stop, look and listen  bago kayo magbigay ng mga bayolenteng komento.

* * *

Hindi totoo ang mga tsismis na hiwalay na sina Pauleen Luna at Mayor Sherwin Gatchalian.

Mismong si Pauleen ang nag-deny sa tsismis nang umapir siya kahapon sa Startalk. Going strong ang love affair nila ni Sherwin na birthday noong isang linggo pero hindi sila nagkasama ni Pauleen porke nasa ibang bansa siya.

Mag-iisang taon na ang relasyon nina Sherwin at Pauleen. So far, wala akong nababalitaan na nagkaroon sila ng malaking away o nagkahiwalay dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan.    I’m sure, si Sherwin ang nag-a-adjust sa moods ng kanyang bagets na girlfriend.

* * *

Wala nang liligaya pa kay Mommy Eva Carino dahil malaki na ang ipinagbago ng kanyang anak na si Royette Padilla.

Bilang ina, hindi nagkulang si Mommy  Eva sa pagdisiplina sa mga anak niya, lalo na kay Royette na dumanas ng maraming pagsubok sa buhay.

Natuwa ako sa report ng Startalk na magkasundong-magkasundo na sina Mommy Eva at Royette na naglabasan ng sama ng loob nang umapir sila noon sa Showbiz Central.

Na-realize ni Royette na tama ang mga sinasabi at pagdidisiplina ni Mommy Eva sa kanilang magkakapatid. Ngayon lang pala napagtanto ni Royette ang kasabihan na mothers know best!

* * *

Thank you, thank you sa PSN reader na si Wilma na nagpadala sa akin ng isang touching letter.

Hindi ko na sasabihin ang complete name ni Wilma na mula sa Amerika dahil nakiusap siya na huwag ko nang banggitin ang kanyang pangalan. Maraming salamat sa concern na ipinakita mo sa akin at huwag ka sanang magsasawa sa pagbabasa ng PSN.

vuukle comment

CENTER

JUDAY

MOMMY EVA

PAULEEN

ROYETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with