Lolit sobrang na-miss ni Gabby
- Veronica R. Samio () - April 6, 2008 - 12:00am

Maria Krysta Aguilar ang pangalan niya pero bininyagan siya ni Joey de Leon ng Rufa Mi, siguro dahil kamukha niya ang seksing komedyana, kaboses din. Yun nga lang mas mahusay siyang singer sa ka-look-alike niya na si Rufa Mae Quinto dahil singer siya at ito ang trabaho niya. Matagal na siyang kumakanta sa banda, bago pa siya naging artista.

Mahilig siyang sumali sa mga contest, yun nga lang hindi siya masuwerte, palagi siyang talo, hindi man siya matalo, hindi naman niya nakukuha ang top place, finalist, oo but never the winner.

Unang-una, siyang na-eliminate nang sumali siya sa search for the EB Babes. Naging judge dito si Andrew de Real who later on would tell her na di siya bagay maging EB Babe, mas bagay sa kanyang  kumakanta sa lugar nitong The Library na palaging SRO, lalo na kapag araw ng Biyernes dahil hindi lamang siya ang naroroon kundi pati ang kapatid sa hanapbuhay na si Rey Pumaloy na kinarir na rin ang pagkanta at pagiging sing-along master, si Pola na talaga namang pasasakitin ang tiyan mo sa katatawa at mga anim o pito pang singer/hosts na talaga namang napaka­ga­galing kumanta. Napakaganda at talagang nakatutuwa yung gimik nilang pagkanta ng sabay-sabay habang itinuturo ng itinuturing nilang “nanay” kung sino ang dapat magsolo, riot talaga!

Going back to Rufa Mi, nanalo naman siya nang sumali siya sa Eat Bulaga, sa On the Spot Look Alike contest, hindi nga lamang top prize. Luz Valdez din siya nang mag-join siya ng Pinoy Pop Superstar. Pero malakas ang fighting spirit niya, nang may kaibigang magyaya sa kanya na sumali sa isang Bikini contest na ginanap sa Klownz Angeles, join din siya. Again, natalo siya pero, next day kasama na siya sa line up ng mga performers sa nasabing lugar. Dito siya na-discover ni Allan K. Ito rin ang humimok sa kanyang sumali sa pakontes ng Eat Bulaga.

Mahigit isang taon nang kumakanta si Rufa Mi sa The Library, lumaki na rin ang bilang ng mga nakakikilala at humahanga sa kanya. Unti-unti na rin siyang nakikilala sa TV  dahil sa magandang exposure niya sa Nuts Entertainment.

Natatandaan pa niya nang una silang magkita ni Rufa Mae. Nagsisimula pa lamang siya nun. Hiyang-hiya pa siya nun dito, hindi niya malaman kung paano niya ito ia-approach.

“Ang bait niya, bineso pa niya ako at tinanong lang niya ako kung ganun daw ba siya ka-nasal kung kumakanta. Sabi pa niya, huwag daw akong mahihiya, ituloy ko lang daw yung ginagawa ko.

“Yung second meeting namin ay sa Nuts na. Akala ko, hindi niya ako matatandaan, sorpresa sa akin yun dahil hindi ko alam na sabay pala kaming maggi-guest dun,” kwento niya.

Tumigil muna siya ng pag-aaral niya, naka-second year din siya ng Masscom sa Lyceum. At 19, feeling niya marami pang panahon para mag-aral, sasamantalahin muna niya ang swerteng dumarating sa kanya ngayon.

* * *

Samantala, obviously, di lamang tuwing Biyernes ng gabi SRO ang The Library although malakas humatak ng manonood ang grupong Raging Divas. Marami ang nakita ko nung Biyernes na  nagtyagang pumila at willing tumayo makita lamang sila. Ganito rin daw ag reception sa mga Lola Divas na featured naman every Saturday.

 Ang maganda kay Mamu (Andrew de Real), nagbibigay siya ng pag­ka­kataon sa mga baguhang imperso­na­tors. Extended ang bagong grupong Drag Ons hanggang sa buwan ng Mayo. Napapanood sila every Wed­nesday.

Sa April 15 at 29, mapapanood ang grupong binuo ni Direk Maryo J. delos Reyes, ang Emgage. Binubuo ito ng mga naggugwapuhang lalaki na hataw sa pagkanta at sayaw.

* * *

 I’m sure, tataba ang puso ni Lolit Solis sa sinabi ni Gabby Concepcion na tatlong tao ang na-miss nito ng husto nang mawala siya ng Pilipinas, ang kanyang ama, ina at si Lolit.

 Nagmistulang fans’ day ang pa-presscon ng ABS-CBN para sa nagbabalik na aktor. Halos lahat yata ng dumalong media ay gusto siyang makausap, at impatient sila na ma-interview siya. Saan man pumunta si Gabby pinuputakti nila siya. I’m sure tabang-taba ang puso nito.

 And Gabby has changed a lot, for the better. Parang walang maraming taon na nagdaan sa kanya, mukha pa rin siyang bata, mamula-mula ang mga cheeks and, definitely, mas guwapo.

 Ang laki rin ng improvement ng kanyang PR, grasyoso na siya, hindi suplado na tulad nung araw na katabi ko na at ini-interview ay gusto pa akong pakunin ng appointment sa kanyang manager. Ang galing na rin niyang sumagot sa mga tanong ng press at dama mo ang sincerity niya sa kanyang mga sinasabi. Tulad nang sabihin niyang “Totoo, sinabi ni Sharon na wala pa kaming closure? Gusto ko ngang mag-usap kami at kung ayaw niya,  gagawa ako ng next step.”

Isang makabagbag damdaming card ang pasalubong niya kay KC.

“Gusto ko sanang sorpresahin siya sa pagdating ko pero, siya mismo ang tu­mawag sa akin para tanungin kung totoong darating

* * *

 Hindi pa niya alam kung ano ang mga gagawin niya but he was told that he will do an episode for Maalaala Mo Kaya, isang teleserye with Claudine Barretto at movie with Star Cinema.

 “Kung drama okay lang, hindi ko na kailangang iarte dahil masyadong madrama ang buhay ko,” sabi niya.

 Kasalukuyang naghahanap siya ng bahay dahil sa katapusan ng buwan ay darating ang mag-ina niya from the States.

* * *

Puno ang Showbiz Central ngayong hapon. Pero, sa kabila nito panay pa rin ang paghahanap ng mga isyu ng staff ng programa dahil ayaw nilang ni bahagya man ay lumaylay ang programa.

 Mga anak daw ng isang actress/TV host, kinidnap ng maimpluwensyang asawa! Baka naman hiniram lang pero, wala raw paalam kaya kidnap ang tawag dito., Totoo kaya?

 Si Jolina Magdangal haharapin ang intrigang may sama siya ng loob kay Gabby Concepcion, dahil ayaw nitong makasama siya sa comeback movie nito. Kadarating-rating lang ni Gabby, may intriga agad?

 Magkakabukuhan ang magkaibigang Rochelle Pangilinan at Mia Pangyarihan dahil sasalang sila sa lie detector test. Bakit kaya sila pumayag, eh naglalaglagan ang mga kasali sa portion na ito?

* * *

Umalis si Jericho Rosales at  pumunta ng Malaysia for his teleserye shoot. Umalis din si Governor Vi for a much needed rest sa US. Ganundin sina Sharon at Rica Peralejo para naman sa shoot nila ng Caregiver sa London.

* * *

 veronicasamio@yahoo.com

NIYA RUFA MI SIYA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with