^

PSN Showbiz

Wyngard Tracy mas malupit pa kay Simon Cowell!

- Veronica R. Samio -

Ito ang consensus ng lahat ng dumalo sa pa-presscon ng GMA 7 para sa malapit nang simulang Pinoy Idol. Isa ang magaling at mabait na talent manager sa tatlong tatayong panel jury at huhusga sa mga mapipiling kandidato para sa Pinoy Idol. Ang dalawa pa ay sina Ogie Alcasid at Jolina Magdangal.

“Hindi ako cruel at di rin gumagaya kay Simon Cowell. Mas nauna ako sa kanya kaya mas original ako. I’m just being truthful. Marami kasing nagdya-judge sa mga ganitong singing contest ang nagpapa-cute lang pero di nila sinasabi ang totoo sa mga contestants,” paliwanag ng G. Tracy.

Sa pagsisimula ng Pinoy Idol. Ating makikita ang husay ni Raymond Gutierrez sa pagho-host. Matagumpay siya sa pagbibigay ng suporta sa mga kandidato, natanggal man o pinalad na makapasok.

Magsisimula na ang Pinoy Idol sa Abril 6.

* * *

Magtatanghal si Mocha, kasama ang kanyang grupo sa awarding ng Bancathon 2008 na gaganapin ngayong 6 NG sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk.

Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Bancathon 2008 ay magsasagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.

Lalaban sa kampyonato at sa halagang kalahating milyon ang mga bangkang de-motor ang batikang mga bangkero mula La Union, Quezon, Bulacan, Zambales, Cavite, Boracay, Bataan, Batangas, Albay, Ilocos Sur, Pangasinan, Roxas City, Oriental Mindoro, Leyte, at Zamboanga del Norte, bukod sa mga koponang galing sa Ermita at Navotas dito sa National Capital Region.

* * *

Sana naman matuloy ang pagbubuntis ni Danica Sotto. Balitang nahirapan ito at kung anu-ano na ang remedyong ginagawa para hindi malag­lag ang panganay nila ni Mark Pingris. May update dito ngayong hapon ang Showbiz Central.   

Isa pa ring asawa ng isang basketbolista ang balitang nang-iwan ng kanyang asawang artista dahil Bilmoko Girl ito, sobrang materyosa ito at palaging nakasahod ang kamay. Let’s hope na maging matapang ang SC para masabi sa mga manonood kung sino ba siya talaga.

* * *

Reaction ito ng isang nakabasa ng aking column tungkol kay Serena Dalrymple:

“I was reading your article over the internet about Serena Dalrymple. Yes I do agree as well that she was and is a good actress, actually, a very good one.

“Just a bit of information.

“I am working here in Makati City and I believed she was the one my officemates and I saw walking along Leviste Street here in Salcedo Village one morning. I just can’t remember if it was in December 2007 or just last January 2008. We were walking then when we saw her with a guy walking, looking very happy. I think that she and the guy are friends, of course. Dalaga na nga siya!”

* * *

[email protected]

vuukle comment

CENTER

PINOY IDOL

SERENA DALRYMPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with