^

PSN Showbiz

Fil-Am director impressed kay Gary

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kasama dapat ang actor na ito sa isang malaking pelikula na may location sa ibang bansa, pero hindi siya natuloy, dahil inayawan siya ng manager ng isa sa cast ng pelikula. Wala raw kongkretong rason ang manager kung bakit ayaw niyang makasama ng kanyang talent ang actor, basta ayaw lang niya.

Walang nagawa ang producer at mga taong may gusto na isama ang actor, dahil kasama sa original cast ang talent ng manager na tsumigi sa actor. Manghihinayang ang actor ‘pag nalamang naalis siya sa cast ng isang big movie, lalo’t wala siyang alam na kasalanang ginawa sa manager ng co-talent na kaibigan pa naman ang turing niya.

Mabuti na lang at may regular show ang actor sa isang network at malaki rin ang talent fee niya rito. Agad niyang mababawi ang perang nawala sa hindi niya pagkatuloy sa pelikula.

* * *

May cameo role si Gary Valenciano sa pelikulang I Love U Virus na bida sina Jericho Rosales at ang American actress na si Brianna Evigan.

Comedy ang role ng singer-actor bilang computer nerd, pero na-impress pa rin niya ang Fil-Am director na si Francis dela Torre at ang American crew. Perfect daw ang timing at blocking ni Gary at walang take two sa kanyang mga eksena.

Sa tuwa ng director, gustong isama pabalik sa Los Angeles si Gary at nagpaalam na sila kay Angeli Pangilinan-Valenciano na isasama ang asawa nito sa Amerika.

Bukod kina Jericho, Brianna at Gary, nasa cast din ng movie ang Fil-Am actor na si Dante Basco na magaling sa The Debut at nakasama ni Antonio Banderas sa isang dance movie na nakalimutan ko ang title.

Four weeks magsu-shooting dito si Brianna at sana, nandito pa siya ‘pag nag-showing ang movie niyang Step Up 2 (Streets) para personal niyang mai-promote.

* * *

Magsasama-sama ang Kapamilya at Kapuso talents sa gaganaping Filipino-American Visionary Awards na naka-schedule this Friday night sa Kodak Theater, ang venue ng malalaking event sa Hollywood.

Ang daming tatanggap ng award, gaya ni Dolphy na bibigyan ng Legend Award for Comedy; Tito, Vic & Joey, Legend Award for TV hosting; Rudy Fernandez, 2007 Visionary Award for Action Performer; Francis Magalona, Legend Award for Music; Sen. Bong Revilla, Visionary Award for Courage; Mike Enriquez, 2007 Visionary Award for Journalism; Charo Santos-Concio, 2007 Visionary Award for TV Host of the Year; Robert Jaworski, Lifetime Achievement Award.

Martin Nievera, 2007 Visionary Award for Entertainment; Manny Pacquiao, 2007 Athlete of the Year, ABS-CBN Global, The Filipino Channel, Legend Award Media Pioneer; GMA Network, 2007 Visionary Award for Excellence in TV Programming at marami pang iba. 

Kabilang din sa mga tatanggap ng award ang Fil-Ams na sikat sa States, gaya ni Nia Peeples, Legend Award for Acting; Mark Dacascos, 2007 Image Award for Acting; Apl. de.ap of the Black Eyed Peas, 2007 Image Award for Music, Dante Basco, 2007 Role Model Award.

Confirmed presenters sina Nora Aunor, Reggee Lee (lumabas sa Pirates of the Carribean), Ms. Lilia Dizon (magkikita sila ni Guy), Pinky de Leon, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Giselle Tongi  at Lani Mercado.

Performers sina Martin, Billy Crawford, Jasmine Trias, Nonosana, Ana Marie Perez de Tagle, Jessa, Dingdong & Kuh Ledesma. Si Dingdong din ang host kasama si Janelle So.

vuukle comment

ACTOR

AWARD

CITY

DANTE BASCO

LEGEND AWARD

VISIONARY AWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with