^

PSN Showbiz

Galing sa acting ni Dennis nabuburo

- Veronica R. Samio -

Akala ng lahat ay talagang nawala na ang mga kainan at masasayang activities sa Roxas Boulevard Baywalk nang magpalit ng pamunuan ang Lungsod ng Maynila. Hindi naman pala, inilipat lamang ito mula sa kanyang dating kinalalagyan sa Roxas Boulevard sa San Miguel By the Bay (SMBY), isang 90,000 land area sa likod ng SM Mall of Asia, sa likod ng IMAX theater.

Hindi lamang ang mga dining stores o restaurants, tulad ng Hawaiian BBQ ni Happy Ongpauco, Harbor View Bistro ni Sheila Carlos, Seaside Paluto group na pinamumunuan ni Sedana,  ang Figaro na nagpakain sa amin ng libre at ang 32 iba pang kainan, maging ang tugtugan ng mga sikat na banda. Isa sa talagang kagigiliwan n’yong makita rito ay ang fountain na nagsasayaw tuwing ika-30 minuto at pyros­pectacular fireworks display na nagsisimula tuwing ika-6:00 N.G.

Nung pumunta kami run ng pamilya ko nung Sabado ng gabi, hindi mahulugang karayom ang mga taong sumaksi sa pamosong Philippine Sunset at namamasyal lamang sa buong SNBY strip.

Napaka-safe ng lugar. Di ka matatakot na baka maholdap ka, ma-snatch dahil visible ang mga police enforcers na nakadestino sa nagpapakalma sa loob ng mga bumibisita run at maging ang mga anak nila na naglalaro lang sa paligid.

* * *

Totoo bang hindi allowed gumawa ng indie film si DennisTrillo? Ito ang ibinigay na dahilan ni Ara Mina kaya hindi ito natuloy na magbida sa unang pelikula na prinodyus niya ang aktor.

Akala kasi ng lahat kaya nawala ito sa cast ng movie dahil sa naging away nila ni Carlene Aguilar na kung saan ay isinangkot pa nito si Cristine Reyes, kapatid niAra at kapareha sana ni Dennis sa Ate.

Sayang naman kung hindi makakagawa ng indie films si Dennis na kung saan puwede na naman niyang ilabas ang kanyang galing sa pag-arte.

Sad to say, yung mga ginagawa niya ngayon does not require him to act.

* * *

E-mail:  [email protected]

vuukle comment

ARA MINA

CARLENE AGUILAR

CRISTINE REYES

HAPPY ONGPAUCO

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with