^

PSN Showbiz

Tuloy ang pagpasok sa PBB: Ethel Booba nagbago ang isip

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kinumpira ng isang hosts ng Eat Bulaga na kaya nawala sa show si Cindy Kurleto ay dahil magre-relocate sa Peru kasama ang foreigner boyfriend. Dapat daw, ang bf lang nito ang aalis, pero hindi yata matiis ng dalawa na magkahiwa­lay ng matagal, kaya ang desisyon ay pareho silang umalis.

Nasa bansa pa sina Cindy at ang boyfriend nito at sabay na silang aalis, pero nag-resign na ito sa Eat Bulaga, kaya hindi na napapanood. Matagal ding namalagi sa bansa ang dalaga at kahit papaano, mami-miss nito ang ‘Pinas.

* * *

Hindi pa nakakapag-shooting sa Dagaw si Dingdong Dantes at hindi nito alam kung kailan siya magsu-shooting. Ni-revised din daw ang script ng movie para siguro hindi siya magmukhang support nina Richard Gutierrez at Marvin Agustin. One day shooting na lang ang natitira niya sa Resiklo, kaya magagawa niya ang nabanggit na pelikula nang hindi maaapektuhan ang taping niya ng Marimar.

Bumanat ng dalawang kanta si Dingdong sa birthday party ni Allan Diones at live siyang kumanta, kaya sabi ng mga bading na reporter, nahasa na ito sa weekly na pagkanta sa SOP.

Inaabangan tuloy kung ano ang next niyang gagawin.

Sa buong gabi ng party, magkatabi sina Ding­dong at ang girlfriend nitong si Karylle at nagka­kahiwalay lang pag tumatayo sila para bumati sa du­ma­rating na mga reporter. Ibig sabihin, hindi apektado ang re­lasyon nila sa pagkaka-link ng actor kay Marian Rivera na leading lady nito sa Marimar.

* * *

Nagbago na naman ang isip ni Ethel Booba at gusto na namang sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. In fact, this Wednesday na siya papasok sa Bahay Ni Kuya and hopefully, hindi na uli ito mag-backout at tapusin kung hanggang kailan siya ma-i-eliminate.

Tsika sa amin, nasa bahay lang si Ethel mula noong Friday, nagpahinga at nag-isip mabuti and after two days, ready nang sumabak sa PBBCE 2. It turned out, hindi lang ang boyfriend na si Janvier Daily ang problema nito, pati na ang kapatid na si Boobita na gusto munang makausap bago siya pumasok sa Bahay Ni Kuya at may isyu silang dapat linawin.

Hindi masasayang kung ganun ang hirap ng staff sa paghahanda sa pagpasok ni Ethel sa Bahay Ni Kuya gaya ng pictorial, immersion at medical and physical exams dahil magagamit pa rin niya ang mga ito ngayong kasama na siya sa housemates.

vuukle comment

ALLAN DIONES

BAHAY NI KUYA

CINDY KURLETO

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

ETHEL BOOBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with