^

PSN Showbiz

May nakasamang bading sa mga housemates ng PBB Celebrity Edition 2!

-

Nagulat ang mga taong nanood sa Simply Irresistible concert ni Mark Bautista sa Aliw Theater nung Sabado nung sabihan ni John ‘Sweet’ Lapus si direk Joyce Bernal (isa sa audience) ng, “Ay andito pala si direk Joyce Ber­nal, ang pangit mo pala sa personal, mas ma­ganda ka sa TV”.

Alam naming biro lang iyon ng nasabing komedyanteng TV host pero hindi pa rin magan­dang pakinggan iyon for direk Joyce na isa sa iginagalang na director sa larangan ng pelikula at telebisyon.

Kitang-kitang napa­hiya si direk Joyce dahil nag-iba ang facial ex­pression nito nang ma­hagip siya ng TV camera at ipakita sa video wall, pero nagawa pa rin niyang ngumiti na lang.

Marahil kung sumipot si Rufa Mae Quinto sa nasabing show ay hindi mababastos ng ganu’n si direk Joyce, e, wala, may shooting daw siya kaya si Sweet ang humalili sa kanya.

* * *

Sino kaya kina Baron Geisler, Donald Geisler, Will Devaughn, Mr. Gonzaga, at Victor Basa ang susunod sa yapak ni Rustom Padilla na maga-OUT din bago matapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

 Ang mga nabanggit ang unang batch na ipinakilalang housemates na puma­ sok sa Bahay ni Kuya nung Linggo ng gabi at base sa sangkaterbang mes­sages na natanggap namin ay may bading na namang nakapasok sa PBB house.

Curious kami kung sino kaya’t tina­ nong namin kung sino at nagulat kami nung banggitin ang name dahil hindi namin sukat akalaing bading pala ang nasabing celebrity dahil kung titingnan mo naman ay lalaking-lalaki talaga.

 Say mismo ng nag-text sa aming gay publicist ng isang male contest, “Ano ba, since birth, bading na siya at kilalang-kilala ko ‘yan, contestant ko ‘yan sa (name ng contest). Jowa nga niya ‘yung isang miyembro ng male group.”

 Kaya pala wala kaming nabalitaang naging girlfriend niya or nabanggit niya sa amin sa interview na virgin pa siya at the age of 21.  Nakakataka nga.

* * *

How true kapatid pala ng dating aktor na si Dennis da Silva ‘yung isang female Celebrity housemate na Da Silva rin ang surname?

 Pero itinatago raw ng nasabing housemate na kuya niya ang dating aktor dahil ayaw niyang masabit sa gulo at higit sa lahat, hindi sila nagkasamang lumaki sa iisang bahay dahil nga mas­yadong makulay ang buhay ng dating aktor.

As of now ay ayaw daw pag-usapan ng nasabing celebrity housemate ang tungkol kay Dennis dahil everytime raw na naririnig niya ang name ng kuya niya ay naiiba ang mood niya.

 Base sa nakita naming impression kay Ms. Da Silva ay muk­hang palaban ito at hindi na kami magta­taka kung isa rin siya sa ka­mumuhian ng viewers tulad ni Wendy Val­dez. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALIW THEATER

BARON GEISLER

DA SILVA

DONALD GEISLER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with