^

PSN Showbiz

Na-discover habang umiiyak sa burol ng lolo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Marunong pa ring mag-Tagalog si Billy Craw­ford, pati bad Tagalog words gaya ng p—a na twice niyang sinabi nang tanungin ng apelyido ng French ex-girlfriend na nan­loko sa kanya.

Guest si Billy later sa SOP at may number sila ni Jay-R. Aalis siya this week for Japan for some business matters at ‘di namin natanong kung narito siya sa pre­miere ng Move! The Billy Crawford’s Search for Pinoy Dancers. Kaila­ngang nasa Los Ange­les siya sa June 27 dahil invited sa party ng  Jackson’s family friend nito si TJ Jackson, pa­mangkin ni Michael Jack­son.

Binanggit ni Billy sina Madonna, Justin Tim­berlake, Usher, 3T, Lenny Kravitz, Mandy Moore at Ce­line Dion sa foreign artists na naka-trabaho na niya. Package deal pala ang pagkuha sa mga artist sa mga tour, kaya naka­sama niya ang mga ito.

Eight weeks tatakbo ang dance show na ha­ha­nap ng six dancers na ma­giging back-up dancers ni Billy sa kan­yang August 4 concert sa Araneta Coli­seum. Produced ito ng Star Media, TV director na si Louie Ignacio, stage director si Rowell San­tiago at mapapa­nood sa GMA-7.

* * *

Pinatulan na rin ni Keanna Reeves si Julia Lopez na noon pa nang-ookray sa kanya na kesyo ‘di siya ka-level. Hindi siya nag-react dati dahil umiiwas sa tsismis at ayaw ng negative issue, pero hindi na ito nakatiis at dinamay pa si Ethel Booba na nag-iingay din, pero friend daw niya ito. Pinuri pa niya ito’t mukhang sosyal at mas gumanda sa black hair.

“Ayaw kong magalit kay Julia, nangangaila­ngan siya at ginamit ako para pag-usapan siya. Pabayaan na lang natin kahit natsi-cheapan ako sa isyu. Na-meet ko na siya sa set ng Deal or No Deal ‘di kami close. Na­gulat ako nang i-name drop niya ako, may show pala,” sabi nito.

Inaalagaan daw niya ang relasyon sa boy­friend niyang si Sofian Ait dahil baka mawala.

Bumili siya ng French book at nagti-text in French at ina­kala ng bf na marunong na siyang magsalita, hindi nito alam na may libro siyang katabi habang nagti-text. Ang bf ang kasama ni Fran­cine Prieto sa bagong Bench under­wear bill­board.

* * *

TV launch sa ASAP ngayon ng Star Magic 15 na ang eight female members ay aming na-interview. ‘ Katuwa da­hil  kung  saan-saan sila na­diskubre at si Daphne Cor­tez ang pinaka-klasik dahil sa burol ng kanyang lolo nakita habang umiiyak. Fourth year sa St. Joseph’s School sa Las Piñas ang 15-year-old. Siya ang ka-love­team ni Bryan Home­cillo sa Abt Ur Luv, siya si Monique Le­desma na loner student at laging nasa library.

Related sa mga Pa­dilla si Jenna Estrella ng Batangas at lola niya ang unang guma­nap na Valentina sa Dar­na mov­ie na si Cristina Aragon. She’s 17 years old at ta­lent niya’y singing, dancing and acting at malaki ang crush kay Piolo Pascual.

First cousin naman ni Bianca Reyes si Tanya Garcia. Kapatid ng mom niya ang father ng preg­gy actress at related din siya kay Mikee Co­juang­co. Pang-drama raw siya’t madali siyang umiyak, kaya favorite niya ang Maging Sino Ka Man. Biggest crush nito si Sam Milby PBB days pa at crush din nito sina Jericho Rosales at Diether Ocampo. Con­­­fession ng 16 years old teener, ugly duckling at chubby siya when she was young.

Kikay si Krista Valle, high school graduate ng Colegio de San Agustin. She’s 16 at favorite ang Math, laging kasali sa ex­temporaneous contest at four years cheer­leader. Blonde ang hair niya  na  ginawang black para magmukha siyang Asian.

Kombinasyon ng hi­yas at jasmine flower ang name ni Hiyasmin Neri, 17 years old and second year Clothing Technology student ng UP. Both doctors sa St. Luke’s ang parents niya, pero ayaw niyang mag-doctor. Cardio­logist ang dad niya at Pediatrician ang moth­er. Winner siya ng May Trabaho Ka reality show ng QTV 11.

Commercial model ang 15-year-old na si Jessy Mendiola nang ma-discover. Leba­nese ang dad niya and she was born in the United Arab Emirates.

Si Isabelle Abiera, 14 years old ang tallest sa grupo at 5” 7 1/2. She’s half-American. Nag-cover na siya in almost all the glossy magazines in town at gumawa na rin ng TV commercial.

Caroline Riggs is 20 years old and the smallest at 5’3. She’s half-Swiss, born and raised in Thailand and a Bachelor of Science in Tourism graduate sa Iloilo, cum laude.

vuukle comment

ABT UR LUV

ARANETA COLI

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with