^

PSN Showbiz

Francine, tinuruang maging wild si Polo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Francine Prieto na tumakbo siya ng hubo’t hubad sa may talahiban sa pelikulang Silip ng Seiko Films. Nahirapan siya sa love­scenes niya rito with Polo Ravales. Artistiko naman ang mga ang­gulo ng kanilang roman­sa sa hagdanan, sa bukid at sa kariton bu­kod pa sa talahiban.

“Masakit yung love­scene namin sa may hagdanan dahil masakit sa likod. Matigas na kahoy ito di gaya ng malambot na kama. Puro galos naman ang inabot ko sa talahiban. Inalalayan ko si Polo sa mga torrid kissing sce­nes dahil first time niyang magpa-sexy sa pelikula. Ang sweet niyang humalik kaya sabi ko, gawin niya itong wild. Maraming pasa­way na mga lalaki ang nanonood at naninilip habang tumatakbo ako ng hubo’t hubad. Pata­gilid akong tumakbo para di nila makita ang aking hara­pan,” aniya.

Zero ang kan­yang love­life ngayon at pina­hihinto na niya ang ibang manliligaw para huwag nang umasa pa sa kanya.

Direk Joel, Ipinagmamalaki Ang 3 Artista

Ayon kay Direk Joel Lamangan, naniniwala siya na sa ganda ng pelikula at galing umarte ng mga artistang sina Diana Zubiri, Francine Prieto at Polo Ravales, isa sa mga ito ang magkakamit ng acting award. Hindi nga niya sukat akalain na maga­ga­ling palang umarte ang tatlo.

Binigyan nito ng workshop si Polo para sa mga lovescenes nito kina Diana at Francine dahil hindi pa siya sa­nay. Kung natulungan niyang maging grand slam winner si Glydel Mercado sa Sidhi, pos­sible rin itong mangyari kina Diana at Francine.

Blind Item: Sikat Na Komedyana, Pinagnanasaan Ang Guwapong Aktor

Nagdi-date ang isang sikat na komed­yana at sikat na aktor sa isang bar sa Quezon City tuwing Miyerkules. Dun sila nagkikitang madalas. Friend lang naman ang turing ng aktor sa komedyana pero, iba ang feeling ng komedyana sa kanya.

Pinagnanasaan tala­ga nito ang guwa­pong aktor.

Alam kaya ng aktor na type siya ng ko­med­yana sa kabila ng pagiging mabuti nilang magkaibigan?

vuukle comment

BLIND ITEM

DIANA ZUBIRI

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANGAN

FRANCINE PRIETO

POLO RAVALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with