^

PSN Showbiz

‘Nota’ ni Gian, ipinangalandakan ni Sheree sa radyo!

-
Kung walang kokontra, sa May 13 na maggi-guest sa SOP si Judy Ann Santos. Birthday celebration niya ito’t birthday niya sa May 11 at simula ng promo ng Ouija nila ni Jolina Magdangal. Pati sa Sis at ibang shows ng GMA-7 ay lalabas din ang actress para mag-promote ng first movie niya para sa GMA Films.

May inihanda ring birthday special ang ABS-CBN kay Judy Ann at balita namin, malaking selebrasyon din ang kanilang gagawin. Wala naman sigurong conflict kung sa two networks siya magsi-celebrate ng birthday dahil isa siya sa Ch. 2 talent na nakaka-cross over sa Ch. 7.
* * *
Si Sheree pala ang tinukoy ni Aiza Marquez na former Viva Hot Babe na dini-date ng ex-boyfriend niyang si Gian Magdangal. Nakumpirma namin ang relasyon ng dalawa kay Sheree mismo nang mag-guest sa radio show ni Mo Twister noong Wednesday.

Hindi lang namin alam kung huli sa balita si Aiza o sinadyang hindi deretsuhing may relasyon na sina Sheree at Gian dahil sabi ng sexy star, she slept with Gian na at isa ito sa binanggit niyang famous celebrity na kanyang nakasama na sa kama. Kaya, may karapatan si Sheree na ipagtanggol ang boyfriend sa nagsasabing three inches lang ang manhood nito’. Payat lang daw, pero mahaba.

‘Kaloka, ano kaya ang masasabi ni Gian na pati ang private parts ng kanyang body ay ipinangalandakan ni Sheree sa radio? Sana, ‘di ito maging daan para sila’y maghiwalay.

Naalala namin si Sheree noong ongoing pa ang Philippine Idol dahil laging present sa SM Megamall. Sabi’y, friend lang niya ang singer at naroon lang siya para sumuporta. Naisip tuloy namin na may relasyon na sila noon pa man.

Hindi rin kaya si Sheree ang sinasabing kaibigan ni Aiza na naging dahilan ng break-up nila ni Gian? May ginawa raw ang binata sa kanyang friend na hanggang maghiwalay sila ay ‘di inaamin? Hala, gusto tuloy naming makausap uli sina Aiza, Gian at Sheree, pero hindi sabay-sabay at baka may mag-away.
* * *
Kasama si Isabel Blaesi sa cast ng Ysabella nina Judy Ann at Ryan Agoncillo. First time niyang makatrabaho ang actress at overwhelmed daw sila ni Valeen Montenegro dahil sa status nito. Napalitan din ng paghanga ang kaba nila the first time nila itong makita dahil mabait at una pang nambati sa kanila.

Ang nabanggit na soap ang second regular show ni Isabel sa ABS-CBN dahil kasama na rin siya sa Abt Ur Luv at siya na ang makaka-love team ni Mikee Lee na nanliligaw sa kanya in real life. Four months nang nanunuyo ang bagets at nasapak na ng ex-boyfriend ng dalaga, pero wala pa rin siyang balak sagutin at gustong makilala muna ito ng husto. Sa ibinigay nitong 99.9 percent chance, tiyak na si Mikee ang magiging second bf ni Isabel.
* * *
Sa Metrowalk, sa Meralco Avenue, Pasig City, gagawin ang three-day celebrity weekend car fest organized by JayR at tinawag niyang Ridin’ Low. Magbubukas ito sa April 27 hanggang Apr. 28 at 29 at may sport audio competition, tuners at celebrity cars showcase.

Para mas masaya, may live performances din sina Jay-R, Kris Lawrence, Keith Martin, Amber, Marcus, The Clique, Peace Pipe at Gian Magdangal at maraming celebs pa ang darating. For more info, call 7228001 or 0921-6212016.– NITZ MIRALLES

vuukle comment

ABT UR LUV

AIZA

GIAN

GIAN MAGDANGAL

JUDY ANN

SHEREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with