^

PSN Showbiz

Hindi pag-aawayan nina Juday at Jolina ang billing

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Pantay ang magiging billing nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa pelikulang ginagawa nila under GMA Films. Hindi naging problema sa kanila ang patas na billing dahil malapit na magkaibigan ang dalawa. Isa pa, hindi mahalaga kay Juday ang billing dahil mas pinapaboran nito ang kanyang trabaho.
Marvin Di Nanliligaw Kay Angel
Kasama si Marvin Agustin nina Angel Locsin at Diana Zubiri na nagti-taping sa Bangkok ng Asian Treasures. Enjoy sila kahit pagod sa trabaho dahil sa ganda ng lugar.

Malamang maintriga na naman si Marvin at ma-link kay Angel dahil magkakasama muli sila sa pelikula na prodyus ni Becky Aguila titled Daddy’s Angel na isa sa episode ng trilogy sa direksyon ni Dingdong Dantes.

Di ba’t may intriga nun na interesado si Marvin kay Angel at ipinapalit nito kay Pauleen Luna? Pero ayon kay Marvin, close sila ni Angel at parang kapatid lang ang turing niya rito.

Payag nang lumabas na tatay ang aktor dahil may anak na siya sa tunay na buhay kaya lang never siyang papayag na maging ama ng Starstruck winners.
Bayani, Composer Na
Naghahanda na ng kanyang third album si Bayani Agbayani under Alpha Records na binubuo ng revival at original compositions. May sariling komposisyon siya sa loob titled "Huwag Mo Akong Paikutin sa Tsubibo".

Pagkatapos ng eleksyon ay may gagawing movie si Bayani kasama si Mayor Jinggoy Estrada. Kahit may sitcom ito sa Nuebe na prodyus ng Solar Entertainment titled Kemis: Ke Misis Umaasa ay may guesting pa rin ito sa ABS-CBN. Magiging consultant din ito ng bagong sitcom na gagawin ni Aga Muhlach.
Versatile Group
Saksi kami kung paano tangkilikin ng manonood na mahilig sa gigs at concert ang Retrospect bilang isa sa pinakamagaling na grupo sa local music scene. Pinarangalan na sila ng iba’t ibang music award giving bodies nationwide year after year.

Ang "Restrospect Decade" ay pagpapatunay din ng versatility ng grupo 10 taon na ang nakararaan.

Kapag narinig ang kanilang pangalan, nangangahulugan ito ng party dahil buhay na buhay ang kanilang musika. Ang "Restrospect Decade" ay naglalaman ng 14-all original tracks kabilang ang house/dance at emo-rock ditties. Ang magagaling na miyembro ng Retrospect ay sina Gold Castro at Ogie Ramos at J. Martin Castro.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALPHA RECORDS

ANGEL LOCSIN

ASIAN TREASURES

MARVIN

RESTROSPECT DECADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with