^

PSN Showbiz

Boy toy ng gay TV personality

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Ngayon mas maliwanag na ang kuwento na hindi naman umuwi sa Pilipinas si Gabby Concepcion kagaya ng kumalat na tsismis. Lumabas na kasi ang kanyang amang si Rollie mismo, nagpa-interview na at sinabing hindi totoong umuwi si Gabby. Pero nagkausap na pala sila at nasabi nga niyang natutuwa naman si Gabby sa ipinakikitang interest ng mga tao sa kanya, kahit na matagal na siyang wala sa bansa at natigil na ang kanyang acting career.

Pero babalik nga raw si Gabby, most probably sa Abril, kasabay ng birthday celebration ng tatay niya.

May sakit nga kasi si Rollie Concepcion, in fact nakita nga namin siya minsan na nagsimba rin sa center ni Padre Pio. Naghahanda na raw sila sa pagbabalik ni Gabby, inaayos nila ang mga dati niyang gamit para naman pagbabalik niya sa bahay nila sa San Juan, para pa ring walang nagbago.

Pero kung uuwi man daw si Gabby, talagang dadalaw lamang siya sa kanyang ama, na ang ibig sabihin walang showbiz activities si Gabby. Bakit nga ba naman eh talagang iniwan na niya ang kanyang movie career. Pero makakaiwas nga ba si Gabby halimbawang si Kuya Germs ang kukumbida sa kanya sa Walang Tulugan, o may makikiusap sa kanya na maski na mag-guest lamang sa telebisyon?

Kung sino man ang makapag-guest kay Gabby, sa tagal ng panahon na hindi siya napapanood ng kanyang mga fans, na walang dudang interesado pa rin namang makita siya, palagay namin mataas na ratings yon.
* * *
Naiibang contest ang Hiyas ng Pilipinas beauty pageant. Hindi lang basta beauty ang basehan, kailangan may utak ang mga candidates. Hindi rin makakasali ang mga aspiring beauty queens na hila-hila ng kung sinu-sinong mga baklang talent scouts, dahil ang mga contestants nila ay kailangang nominated ng mga local government units o kaya ng tourism officer ng bayan o lunsod.

Ang mananalo naman at tatanghaling Hiyas ng Pilipinas ay hindi lamang sasali sa isang international competition, kundi magiging ambassador of goodwill ng ating bansa, kaya marami siyang pupuntahang iba’t ibang lugar bilang kinatawan natin.
* * *
May bago na naman daw boy toy ang isang gay tv personality. Syempre ang come on ay kagaya rin ng dati, na matutulungan din niya ang bagets na maging artista dahil alam naman ng lahat na marami rin siyang tinutulungang mga artista. Sinasabi rin niyang madali niyang maipapasok iyon sa mga shows sa kanilang network.

Pero papaano kung ang batang iyan, matapos na sumama sa bading na tv personality ay magaya lamang sa iba na wala rin namang nangyari?

vuukle comment

GABBY

GABBY CONCEPCION

HIYAS

KUYA GERMS

PERO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with