^

PSN Showbiz

Manalo man o matalo sa pulitika si Cesar, alam ni Sunshine na mabuting tao ang asa-wa niya

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na matapus-tapos ang pang-iintriga ng iba na bakla raw si Piolo Pascual. Makikita mo naman ang pagsisikap ng kanilang kampo na pigilan na ang mga tsismis pero parang kahit na ano ang gawin nila, naroroon pa rin ang mga nagkakalat ng tsismis.

Hindi mo naman masabing maraming kaaway si Piolo kaya siya ginagawan ng tsismis dahil wala naman kaming naririnig na nakaka-away niya kahit noong panahon pa niya sa That’s Entertainment. Hindi mo naman masasabing sa mga kalaban niya sa career nagsisimula ang mga tsismis na yon.

Ngayon mayroon na naman silang pinag-uusapan, iyong nilagay na litrato ni Piolo Pascual sa internet na ka-holding hands si Sam Milby. Kung titingnan mo ang picture na iyon, hindi ka kailangang maging isang expert para makita mong yon ay hindi totoo at ginawa lamang sa pamamagitan ng computer mismo. Ang nakakatawa pa, ang nagki-claim na siyang nag-post noon ay isang grupo na ang tawag sa kanilang sarili ay "Samiolo", dahil fans daw sila nina Sam at Piolo. Hindi ito ang unang pagkakataon na may gumawa ng ganyan. Kung natatandaan ninyo noon naman ay may naglabas ng isang sex video sa cellphone na sinasabing si Piolo raw, ganung maliwanag na hindi naman.

Sa totoo lang nakakaawa na ang sitwasyon ni Piolo Pascual, dahil ayaw siyang tigilan ng mga gumagawa ng tsismis eh. Maniniwala ka ba naman sa mga ganyang tsismis? Kung totoo naman ang tsismis nila, palagay kaya ninyo mag-iiwan pa ng ebidensiya si Piolo kagaya ng photo sa internet o ang fake video na iyon?

Iyong mga naniniwala sa ganyan ang talagang masasabi mong tanga.
* * *
Inamin sa amin ni Sunshine Cruz, noong una nga raw dahil talaga namang hindi nila kabisado ang pulitika, tutol siya sa pagpasok sa pulitika ng kanyang asawang si Cesar Montano. Eh nagkataong nandun na, at dahil napakarami nga raw ang tumatawag sa kanya na mga kaibigan nila at kakilala na nagsasabing ok ang ginawa ng kanyang asawa, kaya lalo naman daw obligado siyang suportahan.

Inamin din ni Sunshine na kung minsan nasasaktan din naman siya, lalo na kung may naninira sa mga artista. Hindi man sinasabing ang asawa niya, pero dahil artista rin naman sila, sumasama nga raw ang loob niya.Pero sabi nga ni Sunshine, isang bagay lamang daw ang masasabi niya, manalo man o matalo, sigurado siya na ang asawa niya ay isang mabuting tao.
* * *
May magkahalong tsismis na pulitika at showbiz. Sinisiguro ng isa naming source na totoong nagkaroon ng relasyon ang isang sikat na pulitiko at ang isang matinee idol. Pero ibang klaseng relasyon daw yon dahil lumalabas na ang machong pulitiko ang lalaki, at ang guwapong matinee idol kahit na sa totoo lang ay lalaki namang tunay, ang siya niyang naging slave.

Pumayag lang daw ang guwapong matinee idol dahil malaki naman ang sustento sa kanya ng pulitiko. Mukhang beneficiary siya ng pork barrel. Pero split na raw sila ngayon, dahil nagalit daw ang pulitiko nang makipag-live in sa isang aktres ang matinee idol.

vuukle comment

DAHIL

ISANG

NAMAN

PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with