^

PSN Showbiz

Judy Ann/ Jolina movie, tuloy na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Matutuloy na rin ang pagsasama sa pelikula nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa GMA Films. Ouija Board ang title nito, horror movie to be directed by Topel Lee at co-produced ng Viva Films. Ito na yata ang naikuwento ni Veronique del Rosario-Corpus na next co-production nila ng GMA Films.

Noong January 23 ginawa ang story conference nito at kundi mababago ang schedule, third week ng February ang start ng shooting. Magsu-shooting ang grupo sa Camiguin na isa sa pinakamagandang lugar ng bansa.

Kasama sa cast ng pelikula sina Iza Calzado, Mark Bautista at Desiree del Valle na parehong contract star ng Viva Entertainment.
* * *
Matagal pa sa ere ang Pedro Penduko, kaya wala pang ibinibigay na next project ang ABS-CBN kay Matt Evans. Madugo ang taping ng fantasy-adventure series na napapanood every Saturday at simula sa February, ilalim ng dagat ang kanyang papasukin. Mga sireno’t sirena, siyokoy, kataw at kalalawdan ang kanyang makaka-engkuwentro.

Natuwa ang press sa promise ni Matt na never siyang magbabago kahit sumikat pa ng husto. Mahirap daw ang lumaki ang ulo at baka tumigil ang pagdating ng blessings sa kanya. Tuwang-tuwa pa naman nitong inisa-isa ang mga nabiling gamit mula nang suwertihin siya.

Bukod sa mga gamit sa bahay, nakabili na siya ng second hand Toyota Corolla at naipa-renovate ang kanilang bahay sa Project 4 at Antipolo City at may sarili na raw siyang DVD player sa kanyang kuwarto. Dream nitong tuluyang mai-ahon sa kahirapan ang ina.
* * *
Sina LJ Reyes at Alfred Vargas ang latest showbiz couple na nag-cool off, pero wala raw kinalaman si Carrie Lee, ang Malaysian actress-model na leading lady ng actor sa series na Muli ng GMA-7. Lack of time ang rason sa mutual decision ng dalawa na mag-cool off muna para walang sisihan kung napapabayaan nila ang isa’t isa.

Maayos na nag-usap last week sina LJ at Alfred na wala muna silang commitment, pero nanatili silang magkaibigan at tuloy ang komunikasyon.

Naglalagare kasi ang actor sa taping ng Muli at Magic Kamison at si LJ, bukod sa nag-aaral ay nagti-taping din ng Makita Ka Lang Muli ng Tape, Inc. na malapit nang matapos.

Almost six months ding on ang dalawa na nagsimula noong August 3, 2006. Hindi man lang nila pinaabot sa Valentine’s Day ang kanilang relasyon. Kung nandito pa that time si Carrie, baka siya nga ang maka-date ni Alfred. May alam kaming tao na natuwa sa pagko-cool off nina LJ at Alfred, pero ‘di namin sasabihin kung kaninong side.
* * *
Hindi namin na-interview si Rachelle Ann Go after the launching of new album from Viva Records called Obsession, kaya ‘di namin natanong sa kakaibang concept ng album. Love songs ang karamihan sa track ng album, pero madilim ang album cover at predominantly in black ang kanyang mga litrato. At least, nagpakita siya ng kanyang flawless na likod.

Si Christian de Walden ang producer ng 13-track album and all originals with Don’t Say Goodbye as its first single release at siya ring favorite ng dalaga. Other cuts in the album are: And Me You, Come One Day, Alam ng Ating Mga Puso, Walk into My Life at marami pang iba.

Sa mga show ng ABS-CBN muna niya ipino-promote ang album at sa February ang kanyang mall tour. Bibisita siya sa SM Clark on Feb. 18; SM Lipa on Feb. 24; SM Dasmariñas on Feb. 25; SM Molino on Mar. 3; SM Batangas on Mar. 4; SM Lucena on Mar. 1o & SM Baguio on Mar. 17.

vuukle comment

ALBUM

ALFRED VARGAS

ANTIPOLO CITY

ATING MGA PUSO

CARRIE LEE

COME ONE DAY

FEB

IZA CALZADO

JOLINA MAGDANGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with