^

PSN Showbiz

Kinukwestiyon ang pagiging Best Picture ng Enteng 3…

-
Hindi nakadalo ang mga alaga ni Tita Becky Aguila sa ginanap na 32nd Metro Manila Film Festival Awards night sa Aliw Theater nung Biyernes ng gabi.

Ayon mismo sa staff ng GMA-7 ay may sakit si Angel Locsin at kasalukuyang naka-confine sa St. Luke’s Hospital kaya’t mag-isang dumating si Richard Gutierrez bilang isa sa representative ng Mano Po 5, Gua Ai Di.

Samantalang si Jennylyn Mercado naman ay nilalagnat na at gustong pumunta sa nasabing event, pero nanlalambot kaya’t nagpatingin din sa St. Lukes’ Hospital at na-diagnose siyang may broncho pneumonia at kailangang magpahinga ng isang buong linggo bukod pa sa bawal magpuyat kaya raw on and off ang fever ng isa sa bida ng Super Noypi.

Samantala, tsika ng mga TV reporter na naghahanap kay Angel sa awards night ay, "Iba-ibang kuwento ang narinig namin, sabi dinamdam ang break-up nila ni Oyo Boy Sotto kaya hindi dumalo, may nagsabi namang naka-confine nga kasi hindi nakayanan ang nangyari at ‘yung isa, ayaw daw kasing makita si Oyo kaya hindi dumalo, e, wala rin naman si Oyo, hindi rin dumating."

Anyway, lovers’ quarrel daw ang nangyayari ngayon kina Oyo at Angel at ang ikinatataka namin ay bakit nadadawit ang name ni Bing Loyzaga, bilang third party?
* * *
As expected, maraming kumuwestiyon kung bakit nanalong Best Picture ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto sa nakaraang 32nd Metro Manila Film Festival Awards Night dahil ni wala raw itong napanalunang minor awards kaya’t paano siya lumusot bilang best picture?

Dagdag din ni Celia Rodriguez na nagpahayag ng "You can quote me on this, I’ve seen all the movies and I can say that they’re all basura except our movie Ligalig," na ikinaloka ng mga nakarinig.

Maging si Star Cinema producer Malou Santos ay nagpahayag ding karapat-dapat na ang Kasal, Kasali, Kasalo ang Best Picture, pero nasa second place lang.

At maging ang mga taga-MMFF ay either Ligalig, Kasal, Kasali, Kasalo at Mano Po 5 ang hihiranging Best Picture, "Nagulat din kami, hindi rin namin ini-expect na Enteng ang winner, nagkatinginan nga kaming lahat, eh. Pero may criteria raw, ibinase sa boxoffice, e, di ba number one ang movie ni Vic Sotto, pangalawa kina Judy Ann (Santos) at Ryan (Agoncillo) at pangatlo ang Shake, Rattle and Roll 8?"

"So far sa Best Picture lang naman nagkaroon ng kuwestiyon, the rest of the winners ay deserving naman, di ba?" balik-tanong sa amin ng taga-MMFF.
* * *
Ang bagong batch ng StarStruck 4 ang opening salvo ng SiS live bukas, January 1 na supposedly ay ang SexBomb Girls ni Joy Cancio ang special guest para pampataas daw kaagad ng ratings.

Kailangan daw kasing pukpukin sa TV guestings ang bagong batch ng SS4 para raw mag-ingay kaagad ang mga bagets.

Anyway, para sa nag-aabang naman sa Sexbomb ay sa January 2 sila mapapanood ng live sa nasabing morning talk/variety show ng GMA-7. – Reggee Bonoan

vuukle comment

ALIW THEATER

ANGEL LOCSIN

BEST PICTURE

BING LOYZAGA

CELIA RODRIGUEZ

MANO PO

METRO MANILA FILM FESTIVAL AWARDS

OYO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with