^

PSN Showbiz

Richard, nagpaturong magdirect kay Peque Gallaga

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Matagumpay na artista si Richard Gutierrez pero may pangarap pa rin ito na nais matupad. Gusto niyang maging isang direktor sa pelikula. "Nag-undergo na ako ng workshop kay Direk Peque Gallaga at kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto kong magdirek ng isang family oriented movie yung ala-Adams Family."

Sa kabilang banda, inamin ni Richard na malaki na ang ipinagbago ng kanyang inang si Annabelle Rama.

"Di na palaaway si Mommy. Nung nag-apologize si DJ Mo sa gay issue tungkol sa kapatid kong si Raymond ay tahimik lang ito," sey pa ni Richard.
Angel, Puspusan Ang Paghahanda Para Sa Action Series
Nagsasanay si Angel Locsin ng martial arts at Muay Thai boxing bilang paghahanda sa pelikula na pagsasamahan nila ni Robin Padilla.

"Idol ko si Robin dahil magaling siya sa aksyon at malapit siya sa mga tao lalo na yung mahihirap."

Gusto ring matuto ni Angel ng target shooting na minsan na niyang ginawa sa Extra Challenge noon.
Wala Na Ang Mga Batang Kinagiliwan Ng Marami Sa Bakekang
Kaabang-abang na ang Bakekang dahil malaki na ang mga anak ni Sunshine Dizon na sina Kristal (Lovi) at Charming (Yasmien Kurdi) gayundin ang anak ni Sheryl Cruz na si Lorraine (Nadine Samonte). Magiging sikat na teenstar si Lorraine, extra sa pelikula si Kristal at patuloy naman ang paghihirap ni Charming dahil sa pagmamalupit sa kanya ni Rita (Lotlot de Leon). Mula sa Canada ay babalik na sila ng Pilipinas.

Ayon sa tatlong young actress, ipagpapatuloy nila ang kahusayan sa pag-arte na sinimulan ng tatlong mga bata na kay gagaling talagang umarte. Kaya biglang nagkaroon ng maraming fans sina Eunice Michelle Lagunsad, Louise Joy Folloso at Jolina Marie Reyes.
Blind Item: Dating Pakawala Ang Sikat Na Singer
Naibulong ng aking source na nagtrabaho nun sa isang hotel na kilalang-kilala niya ang singer na ito.

"Madalas siyang tumambay sa lobby ng aming hotel at naghihintay ng parukyanong karamihan ay foreigner. Hindi pa kasi siya sikat nun," anang source.

Visible pa rin hanggang ngayon ang sikat na singer na madalas ay may show sa abroad.

vuukle comment

ADAMS FAMILY

ANGEL LOCSIN

ANNABELLE RAMA

BLIND ITEM

DATING PAKAWALA ANG SIKAT NA SINGER

EUNICE MICHELLE LAGUNSAD

EXTRA CHALLENGE

JOLINA MARIE REYES

KRISTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with