^

PSN Showbiz

Nagpaalam kay Karylle, bago nakipaghalikan kay Dingdong!

-
Secret ang itinugon sa amin ni Iza Calzado nang tanungin namin siya tungkol sa kung ilang beses silang naghalikan ni Dingdong Dantes para sa pelikulang Eternity.

Truth to tell, ang dahilan kung bakit ayaw niyang idetalye ang nabanggit na love scenes nila ni Dingdong ay baka raw isipin na ipinagyayabang pa niya ang maselang bahaging ito ng pelikula. Bago ito kinunan ay pinaalam niya ito kay Karylle, ang girlfriend sa tunay na buhay ni Dingdong.

Very satisfied si Direk Mark Reyes sa attitude nina Iza at Dingdong. "They were very professional, hindi maarte at walang hiniling sa kanya na huwag ganito o ganoon ang gawin. Makatotohanan ang kanilang pagganap as ill-fated lovers kaya na-inspire ako at dinagdagan ko pa nga ang kanilang love scenes," he says.

Ang Eternity ay period film kaya naging magastos. Sa Spanish period ang setting ng love story nina Dingdong at Iza at sa pangkasalukuyang panahon ang pag-iibigan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Nagtaka lang kami kung bakit sa trailer na ipinalalabas sa mga sinehan ay hindi kasama ang lovemaking scene nina Iza at Dingdong. Huwag isipin na wala dahil totoong meron pa at pag-uusapan ang mainit na tagpong ito.
* * *
Nakauna na si Sitti dahil siya ang unang nasaplaka ng Bossa Nova. Dahil sa mainam na pagtanggap ng publiko, join na rin si Agot Isidro with the release of her album for Holiday Records. Ang mga awiting tampok sa CD ni Agot entitled "The Island" ay pawang pamilyar sa pandinig. Karamihan ay pop songs na tunog bossa ang ginawa. Maging ang "Hanggang Kailan" ng Orange and Lemons ay hinaluan ng Brazilian beat. — REMY UMEREZ

vuukle comment

AGOT ISIDRO

BOSSA NOVA

DINGDONG DANTES

DIREK MARK REYES

HANGGANG KAILAN

HOLIDAY RECORDS

IZA

IZA CALZADO

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with