^

PSN Showbiz

LJ, nagselos sa laplapan nina Katrina at Alfred!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Bukod sa kaseksihan ni Katrina Halili, ang love scene nila ni Alfred Vargas ang pag-uusapan sa pelikulang Gigil ng Regal. Inamin ng dalaga na asiwa siya sa first few minutes na nagsu-shooting sila ng kapareha but later on, dahil nahiya kay direk Jun Lana, ninamnam na lang daw niya ang mga halik at yakap ni Alfred na laplapan talaga ang description sa amin ng grabeng halikan ng dalawa at kahit nagpa-una na si Katrina kay LJ Reyes, ang girlfriend ni Alfred na wala itong dapat ipag-selos, makakaramdam daw ng selos si LJ kaya ang payo sa kanya, "‘Wag panoorin ang pelikula ‘pag ipinalabas sa September 20. Kasama rin sa cast sina Bianca King, Say Alonzo, Gabb Drilon, Boom Garcia at Ketchup Eusebio.

Isa lang ang Gigil sa sexy movies na gagawin ni Katrina sa Regal. She signed an eight-picture contract at tiyak daw na mas sexy ang gagawin nito in her next movie.
* * *
Umani ng tagumpay ang Kubrador nang ipalabas dito at lalo na sa ibang bansa. Hanggang ngayon, naiimbita pa rin ito sa mga film festival sa iba’t ibang bansa. Naikuwento ng producer nitong si Atty. Joji Alonso na hanggang next year pa iikot ang pelikula.

May next project na ang MLR Productions na muling ididirehe ni Jeffrey Jeturian. Nagbiro pa nga si Atty. Joji na baka makulong na sila ng favorite niyang director dahil sobrang controversial ang tema.

Tungkol ito sa five thieves at ang pang-lima ay ang nagnakaw ng election sa ‘Pinas. Wala pa silang napipiling cast dahil tatapusin muna ang script ni Vincent Silarde at titingnan kung kanino babagay ang role.

"This is our version of Fahrenheit 9/11," sabi ni Joji.
* * *
Ang kahalagahan ng breast feeding ang topic sa Tuesday episode ng Moms entitled Mommy Knows Best. Guests sina Eugene Domingo Jackie Castillejo, Encar Benedicto, Raquel Ruiz at Dra. Cristina Santos. Maraming mapupulot na tips ang viewers sa episode na ito.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

BIANCA KING

BOOM GARCIA

CRISTINA SANTOS

ENCAR BENEDICTO

EUGENE DOMINGO JACKIE CASTILLEJO

GIGIL

JEFFREY JETURIAN

JOJI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with