^

PSN Showbiz

Maynard Lapid, kinontrata ng Regal pero, di binigyan kahit isa mang pelikula!

-
Natuwa naman kaming kausap ang anak ni Senator Lito Lapid na si Maynard Lapid dahil kakaiba ang sense of humor nito.

Kinontrata pala ni Mother Lily Monteverde ang younger brother ni Governor Mark Lapid na kasama sa pelikulang Batas Militar at igagawa raw ng movie sa Regal Entertainment, pero nag-expired na ang kontrata ay ni isang pelikula ay hindi man lang nakagawa si Maynard maski na extra.

At ang katwiran ni Maynard, "Eh, gagawin daw kasi akong matinee idol, e, hindi naman pang matinee ang mukha ko.Gusto ko po talaga action films tulad ng ginawa ko rito sa Batas Militar kasi gusto kong sundan ang yapak ng father ko."

O, di ba, aminado si Maynard na hindi siya gwapong bata ‘di tulad ng ibang anak ng kilalang tao na maski alam na hindi sila kaguwapuhan ay feeling matinee idol pa rin.

Going back to Maynard, bilib kami sa pagpapalaki ni Sen Lapid at ng asawa niyang si Marissa sa mga anak nila dahil respectful sila sa lahat, maski na siguro may mababalitaan kang hindi maganda sa pamilya nila, hindi mo pa rin magagawang magalit dahil sa maganda nilang pakikiharap sa tao.

Anyway, career daw muna ni Maynard ang aasikasuhin niya bago ang panliligaw.
* * *
Nairita si Jamilla Obispo, ex-housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition na nakasama sa FHM Sexiest Women in the World 2006 sa isyung ‘ginagamit’ niya ang kanyang anak na maysakit para makakuha ng maraming projects at product endorsements.

Hindi napigilan ni Jamilla na magtaray nung tanungin siya tungkol sa isyu na nagkalat ngayon sa internet.

Say mismo ni Jamilla, "Whoever you are na nagsasabing I’m using my son, you don’t know what you’re talking about, why would I use my son? Alam mo ba kung ano ang pinagdadaanan ko, you better shut up!" nandidilat na sabi ni Jamilla.

Okey lang daw na siya ang gawan ng isyu, huwag lang daw idadamay ang anak niyang walang kamuwang-muwang dahil ibang usapan na.

Sa kalagitnaan ng buwan ngayong Hulyo nakatakdang sumailalim uli ang anak ni Jamilla sa St. Luke’s Hospital para sa pangalawang operasyon ng cleft palate and cleft lip. Kaya panalangin ng teen mommy na maging maayos ang operasyon ng kanyang anak.

As of now ay under ng Star Magic si Jamilla at umaasa siyang magkakaroon ng maraming TV projects at pelikula.
* * *
Kinonsider pala si Ariel Rivera sa sitcom na John En Shirley nina Mang Dolphy at Maricel Soriano na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN.

Gaganap sana si Ariel bilang asawa ni Marya, pero mukhang hindi natuloy o hindi tinanggap ng singer/actor dahil ka-join siya sa Atlantica ni Dingdong Dantes.

Say nga mismo ng mga taga-Dos, "Okey sana sina Maricel at Ariel, kape’t gatas, kaso mukhang hindi pakakawalan ng GMA si Ariel.

At base rin sa nalaman namin sa taga-Siete ay malabong lumipat si Ariel dahil tila ayaw din siyang payagan ng asawang si Gelli de Belen.

Say pa ng taga-Siete, "Nung nasa Dos si Ariel, hindi naman siya pinapansin do’n, hanggang ASAP lang siya, ngayon bigla nilang maaalala?"

Dagdag ding panay din daw ang work out ngayon ni Ariel bilang paghahanda sa Atlantica na hindi pa binanggit sa amin kung ano ang role niya sa telefantasya ni Dingdong Dantes.
* * *
Iseselebra muna ng Klownz Araneta ang kanilang 3rd year anniversary ngayong buong buwan ng July bago sila lilipat sa Mall of Asia, Pasay City.

Yes, hanggang November 2006 na lang ang comedy bar and restaurant na pag-aari nina Allan K, Lito Alejandria at Aiai delas Alas dahil hindi na raw nila kaya ang monthly rental na more than P400,000 plus, bukod pa sa 10% commission ng Araneta sa kinikita ng Klownz every month.

"Naloloka kami, hindi na kaya ng kinikita ng Klownz ang upa, e, ang mga tao pa, kaya ililipat na namin, hindi na kami nag-renew pa," esplika ni Aiai nang matiyempuhan naming nakatambay sa Klownz nung isang gabi.

Sa madaling salita, nalulugi ang naturang comedy bar?

"Hindi naman lugi kundi nahihirapan kami sa renta, ang laki kasi, buti sana kung parating puno ang Klownz, e, hindi naman, kaya bago siguro kami totally malugi, ililipat na lang," paliwanag pa ni Ms A.

Marami raw tao sa Mall of Asia at naniniwala silang tatauhin ito dahil ‘yung mga restaurant doon ay parating puno ng tao.

Samantala, featured artist sina Aiai, at Lito Camo sa July 14 at July 28. May special show din si Allan sa July 29 at kasalukuyan pang under negotiations ang guests. –REGGEE BONOAN

vuukle comment

AIAI

BATAS MILITAR

DAHIL

DINGDONG DANTES

JAMILLA

KLOWNZ

MALL OF ASIA

MAYNARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with