^

PSN Showbiz

Anne, handang gumastos sa kasal nila ng nobyo niya!

- Veronica R. Samio -
Going strong ang 16 month relationship nina Anne Curtis at ng nobyo niyang si Paolo Araneta. Sa kabila nito, wala pa sa plano nila ang pagpapakasal. Lalo’t ongoing pa ang construction ng kanyang victorian-inspired dream house. "Sa Feb. 15, maari na akong lumipat. Ako mismo ang pumipili ng mga kasangkapan na ilalagay dito, gusto ko lahat antique," ani Anne. "Pagkatapos nito, mag-iipon muli ako. Sa Australia kasi uso na ang babae ang gumagastos sa kasal," aniya na sinagot namin ng "Eh, di dito ka magpakasal para lalaki ang gumastos".

Nevertheless, career pa rin ang priority ni Anne. Maraming plano para sa kanya ang Viva for the coming years. Bukod sa mga pelikula, magkakaro’n muli siya ng serye, kasunod ng Kampanerang Kuba.
* * *
Ayon sa isang report, malamang na mawala na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang kasama sa US Special 301 list of violators of intellectual property rights. Bunga ito ng pagkakakumpiska ng mahigit sa P1B ng mga pirated audio and video goods , mula January hanggang September ng Optical Media Board na pinamumunuan ni Chairman Edu Manzano.

"Nagbunga na ang aming walang takot na pangri-raid. Walang publicity at tuluy-tuloy ang ginagawa naming ito para masupil ang mga kababayan nating walang takot sa pamimirata," ani Edu.
* * *
Natupad na ang matagal nang pangarap ni Hanni Miller. Pumirma na siya ng one year recording contract sa Dyna Records. She will be groomed as the country’s local version of international pop-rock artist Shakira.

Matapos ang dalawang taong pagiging inactive dulot ng pakikibaka niya sa sakit na cancer, ire-record niya ang kanyang unang single, isang danceable pop number. Magsisimula na ring igawa siya nga kanta ng mga well-known songwriters at mga fellow singer-friends niya para sa kanyang unang album.

Bukod sa recording, napili si Hanni na maging celebrity endorser ng IJ Magic Cream na nagpaputi ng mga dark spots ng katawan sa loob lamang ng pitong araw.

Isang taon ang kontrata niya sa Saramed Pharmaceuticals, local distributor ng nasabing magic gel. Nakasaad sa kanyang kontrata na bawal na siyang maghubad sa mga pelikula.

Natapos na niya ang pelikulang Shut Up, I-Memorize Mo ‘Yan under Starboard Films tampok ang mag-amang Paquito at Joko Diaz. May gagawin din siyang isang digital film ng award winning scriptwriter na si Jun Lana na pinamagatang Monaliza, MMS kasama sina Paolo Paraiso, Katrina Halili, Luis Alandy at Terence Baylon. Ipalalabas ito sa mga international film festivals, partikular na sa Bangkok Film Festival sa Thailand.

Abala ngayon si Hanni sa mga out of town shows. Naghahanap na rin siya ng mga materyales para sa kanyang pop album.

May scheduled bar tour siya para sa IJ Magic Cream. Para sa mga detalye para sa nasabing produkto, tumawag sa 09217697254/09216069233 at hanapin si Irene Reyes.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BANGKOK FILM FESTIVAL

BUKOD

CHAIRMAN EDU MANZANO

DYNA RECORDS

HANNI

MAGIC CREAM

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with