^

PSN Showbiz

Panalo ni Yasmien, inire-reklamo ng isang natalong banda!

-
Sa 23.1 percent rating na nakuha ng SOP last Sunday, obvious na inabangan ng husto ang resulta ng 2nd SOP Music Awards. Nakita rin ito sa maraming taong pumuno sa UP Theater.

Tanggap ng tao ang winners except for two categories. Kinu-question ang pagkakapanalo ng J Brothers sa New Age Novelty mas sikat daw ang mga tinalo nito. Nakalimutan ng mga nagrereklamo na paramihan ng text votes ang contest at mas masipag mag-text plus mas malaki ang budget ng supporters ng J Brothers.

Isa pang inirereklamo ay ang pagkakapanalo ng "I Know" ni Yasmien Kurdi sa Viewer’s Choice for Song of the Year. Hindi makapaniwala ang fans ng Bamboo na tinalo nito ang "Hallelujah" ng Bamboo, "The Day You Said Goodnight" ng Hale at "Stay" ng Cueshe. Granted na mas sikat ang entries na nakalaban ng song ni Yasmien, kaso, kulang ng effort ang fans nilang bumoto.

Nakausap pala namin ang manager ng isa sa tatlong banda. Halatang hindi nito matanggap na natalo ang hawak na banda ni Yasmien. Ang dialogue nito’y alam naman daw ng tao kung anong song ang talagang sumikat ng husto this year. Sorry, ayaw naming magbigay ng clue at baka pagmulan ito ng gulo. Basta, hindi siya nakangiti nang sabihin ito. Sore losser siya huh!
* * *
Si Cindy Kurleto ang pumalit kay G Toengi bilang image model/endorser ng Freeway dahil nag-asawa’t may baby na si G. Dahil dito’y panay ang pictorial niya for magazine covers and feature to introduce her.

Nagkagulo sa pictorial ni Cindy sa isang glossy and life style magazine. Nag-tantrums daw ito dahil hindi nagustuhan ang make-up artist na kinuha ng editorial na mag-ayos sa kanya. Hindi raw pumayag si Cindy hangga’t hindi personal make-up artist niya ang magmi-make up sa kanya.

Nagka-problema rin sa mga damit na ipasusuot sa kanya sa pictorial dahil matagal may natipuhang isuot. Exagg (as in exaggeration) na kung exagg pero, sabi ng source namin, ga-trunk ang dinala sa pictorial bago nakapili si Cindy.

Naalala naming nagkagulo rin sa taping ng Season 6 ng Love to Love dahil sa make-up at wardrobe ni Cindy. Gusto naming isiping metikuloso lang ang dalaga’t pagdating sa aspetong ito’t iniingatan ang kanyang image.

Sayang at wala na yatang presscon ang Ispiritista para matanong naman si Cindy ng side niya sa isyung ito. For sure, may paliwanag siya sa make-up artist and wardrobe issues sa kanya.
* * *
Bisi-bisihan ang K and the Boxers sa rami ng show. Mauuna ang special concert nila sa October 8 billed By Special Request sa Soundstage Cainta. Pasasalamat ito ng grupo sa customers ng venue na matagal nang sumusuporta sa kanila.

Mapapanood din sila sa Music Factory na nasa Taft Avenue, Manila sa Oct. 15. Magkasunod din nilang bibisitahin ang SM Southmall (Oct. 22) at SM Sucat (Oct. 23) to promote their second album from Viva Records.

Sa November 18, gaganapin ang first major concert ni K sa Music Museum. Sagot daw ito sa Oct. 14 Super Friends concert nina Gladys Guevarra, Allan K. at Janno Gibbs sa Araneta Coliseum. NITZ MIRALLES

vuukle comment

ALLAN K

ARANETA COLISEUM

BY SPECIAL REQUEST

CINDY

CINDY KURLETO

DAY YOU SAID GOODNIGHT

G TOENGI

J BROTHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with