^

PSN Showbiz

Natulog sa isang kama pero, walang nangyari!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Hindi ko maintindihan itong si Cindy Kurleto. Everytime na may project siya, hindi puwedeng hindi siya mag-comment about Jericho Rosales. Hindi ko alam kung anong presscon yon pero si Jericho pa rin ang naging focus ng tanong kay Cindy.

Ang katuwiran nito, lagi raw siyang tinatanong about Jericho. Ang punto ko lang, she could have not commented at all. Ang problema, sumasagot siya. At nagi-enjoy siyang patulan ang mga tanong. Naturalmente, pag-uusapan siya at tama nga, pinag-uusapan pag si Jericho ang isyu.

Ang di lang maganda, hindi napag-uusapan si Cindy kapag hindi si Jericho ang topic. Siyempre, kung sino man ang manager nito, papatulan ang Jericho issue.

Ang the height ay nang mag-react ito sa isyu nina Jericho at Heart Evangelista. Hindi raw siya naniniwalang may namamagitan sa pagitan ng dalawa. Okey, fine!

Naku, Cindy! Mag-move on ka na, hija! Mag-isip ka ng ibang style para pag-usapan ka. Something na makikita ng tao na may talent ka at hindi yung naging ex-girlfriend ka lang ni Jericho.
* * *
Finally ay nagawa kong itanong kay Pinoy Big Brother evicted housemate ang tungkol sa nabalitang may nangyari na sa kanila ni Say. Umugong ang balitang ito noong third week ng PBB.

"Wala pong gano’ng nangyari sa amin," sabi ni JB. "Ang nangyari po kasi, may allergy ako sa balahibo ng pets. So, nagpaalam ako kay Big Brother na kung pwedeng hindi ako sa room namin matulog, kasi kasama namin sa room si Dwight (yung aso na inalagaan ni Rico). Sa room nina Say ako matulog. Doon nga ako natulog no’n, sa isang bed kami pero walang nangyaring gano’n," paliwanag ni JB.

At heto na ang latest. Pinagkakaguluhan ngayon si JB saan man siya magpunta. Surprisingly daw, warm ang natatanggap niyang accomodation. Na-meet na rin niya ang kanyang handler sa Star Magic. Si Luz Bagalacsa (handler din ng Anim-e) ang in-assign sa kanya ng ABS-CBN.

Pupusta ako. Ilang linggo lang ay makakalimutan na ni JB si Say. Malaya na si JB. Marami na siyang nakikilalang babae. Pwedeng maging dahilan ito para manlamig ang damdamin niya kay Say.
* * *
Usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang tungkol sa rating. Tulad na lang ng rating ng Pinoy Big Brother. Nagkakaisa ang bawat tao na ang PBB ang pinakasikat na programa sa telebisyon ngayon.

"Pero bakit hindi nagta-translate sa rating ang nangyayari sa PBB?" sabi ng isang kasamahan sa panulat. Kahit saan ka magpunta, pinanonood ang PBB. All class, talagang nababaliw sa PBB pero bakit lamang pa rin ang katapat na show?"

Nakakaloka ang conclusion ng mga nakausap ko tungkol sa rating.

"Dapat imbestigahan na yang rating na yan! May something na talaga."

vuukle comment

BIG BROTHER

CINDY

CINDY KURLETO

HEART EVANGELISTA

JERICHO

JERICHO ROSALES

LUZ BAGALACSA

PINOY BIG BROTHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with