Lahat ng pera ni Gerard, napupunta sa anak niya, walang kinukuha si Alma
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - July 24, 2005 - 12:00am
Isang taon na at kalahati na ang relasyon nina Alma Moreno at Gerard Madrid. Abala ngayon ang aktres sa taping ng Mga Anghel na Walang Langit bukod pa sa gagawing sitcom titled Ex Ko ‘To! kasama sina Rudy Fernandez, Jomari Yllana at Aiko Melendez..

Si Gerard naman ay nagbi-breed ng mga aso at gagawin niya itong negosyo.

Bakit nagkakasundo ang dalawa?

Sey ng kanyang PRO: "Siguro nag-complement ang kanilang ugali dahil kung tahimik lang si Gerard ay madaldal naman si Ness."

Ang aktres ang nagpapaalala sa kanyang mahal na huwag pabayaan ang anak nito sa kanyang ex-wife. Kaya lahat ng inipong pera ni Gerard mula sa kinita sa Spirit Series ay ibinigay sa kanyang anak.
Pinoy Big Brother, Ilulunsad Na Ng ABS-CBN
Ang Big Brother ay kilala sa ibang bansa bilang reality television show na binubuo ng 10 o 12 contestants na tinatawag na housemates. Nakakulong sila sa bahay kung saan wala silang contact sa outside world-gaya ng TV, radio, telephone, internet at kahit writing materials. Ito’y gagawin sa loob ng 100 days.

Ang Pilipinas ang 31st country na magho-host ng Big Brother at ikalawa sa Asya. Nauna na ang Thailand. Sisimulan ang 1st season bago sa katapusan ng Hulyo ang Pinoy Big Brother sa bansa at ito ay opisyal na ilulunsad sa Agosto 21.

Ayon sa business unit heads na sina Ms. Linggit Tan at Laurenti Dyogi, nagsimula ang audition noong Mayo kung saan umabot ito ng 25,000 na housemates pero ang natitira na lang ay 30 candidates. Mula sa bilang na ito ay pipili sila ng Final 12 na titira sa Big Brother House na sadyang ipinagawa pa ng ABS-CBN.

Ang mga housemates ay makulay ang mga buhay at kumuha pa sila ng psychological at emotional tests para makatiyak na they are emotionally stable. Baka nga naman hindi alam na isa sa kanila ay makagawa ng masama kapag naburyong ang pag-iisip, di ba?

Ang housemates ay hindi magkakakilala. Tututok sa kanila ang 26 cameras na naka-install doon.

Malaki ang magiging premyo ng winner kung saan makakatanggap siya ng P1M worth na house and lot at isang brand new car.

Mapapanood ito araw-araw sa Channel 2 at Studio 23 with 24-hour continuous coverage sa cable at internet. Updates ng mga episode ng show ay ipalalabas tuwing midnight at ang live elimination ay mapapanood tuwing Sabado.
BLIND ITEM: Feeling Superstar Ang Sexy Actress
Napag-usapan ng ilang kapatid sa hanapbuhay ang tungkol sa naging buhay ng dating mga sikat na sexy stars. Isa rito ang ipinagamot nila sa psychiatrist dahil sa pagkagumon noon sa ipinagbabawal na gamot.

Kwento ng aming source na noon ngang dalhin ang isang sexy star sa psychiatrist ay panay ang sigaw sa sasakyan na tratuhin siya ng mabuti dahil superstar daw ito. "Superstar ako! Superstar ako!" aniya.

Ang dating sikat na sexy actress ay namumuhay pa rin kasama ang ina na laging nakasubaybay sa kanya dahil sa kanyang kalagayan. Hindi kasi normal ang kilos at pag-iisip nito dahil nasobrahan nga sa droga.

AIKO MELENDEZ ALMA MORENO ANG PILIPINAS BIG BROTHER BIG BROTHER HOUSE EX KO FEELING SUPERSTAR ANG SEXY ACTRESS GERARD PINOY BIG BROTHER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with