^

PSN Showbiz

Aiai, pinadalhan ng tiket ng Kanong bf para magkita silang muli sa US!

-
Naloloka ang mga guest ng programang S-Files nung Linggo dahil bago sila palabasin ng guard na nakatalaga sa gate ng GMA 7 along Scout Borromeo ay tsine-tsek ang mga gamit nila.

In fairness, humingi naman ng dispensa ang naturang gwardya na napag-utusan lang siyang i-check ang mga gamit ng bawat taong lalabas na nanggaling sa studio ng S-Files dahil nawawala raw ang polo ni Richard Gomez.

Ayon din sa staff ng programa ay maraming tao raw kasi sa dressing room ng naturang studio at naka-hang lang daw ang polo ng TV host/actor at laking gulat nito nung biglang nawala ito kaya’t kaagad na nagbilin sa guard na i-inspection ang lahat ng gamit ng mga taong palabas na nanggaling nga ng S-Files lalo’t hindi kilalang mga celebrity.

Ang grupong Hot Chickz ni Roldan Castro ang unang nahalughugan ng gamit dahil komo hindi pa sila gaanong kilala kaya sila ang napagdiskitahan.

Anyway, memorable ang first guesting ng grupo sa naturang programa para sa promo ng show nilang Extreme III ngayong gabi sa Boysie’s Bar, MH Del Pilar, Malate, Manila.
* * *
Mukhang nasabik ang manonood kay Aiai delas Alas and Co dahil ang pilot episode ng My Juan and Only ay nakakuha ng 23% kaya naman halos maglulundag sa tuwa ang buong cast, staff and crew dahil mataas na raw yon kumpara sa ibang programa ng Dos na nagbukas.

"Abut-abot ang pasalamat ko. Talagang ipinanalangin ko ‘yan sa Diyos na sana maganda ang feedback ng show namin nina Randy," bungad ni Aiai nung kunan namin siya ng comment.

Samantala, mukhang in love na nga ang foreigner boyfriend ni Aiai na si Art Carter sa kanya dahil pinadalhan siya ng ticket pabalik ng Amerika para magkita sila.

"Nabaliw ako, tumawag at sinabi, may ticket na ako papunta sa kanya, kaya alis uli ako ng June 4 tapos sabay kaming pupunta ng Singapore sa June 10 kasi may show ako sa June 12 tapos uwi kami ng Pilipinas ng June 13 para makilala na siya ng buong Pilipinas," masayang kwento ni Aiai.

Inamin ng comedy concert queen na kung sakaling may mangyari man sa kanila ni Art ay hindi muna siya magbubuntis dahil kailangang tapusin muna niya ang another major concert niya this coming November at isang pelikulang kasing hit ng Tanging Ina.

"Next na ang pagbubuntis, planado na, kasi this year, marami pa akong commitments, next year, medyo maluwag na, kaya ‘yung blue eyes na baby ko, next year na," paliwanag ni Aiai.

Naaliw nga kami, kasi kwento ng taong malapit sa komedyana, gusto niya ay kamukha raw ni Krystal, ‘yung anak ni Bakekang ang panganay nila ni Art. — Reggee Bonoan

vuukle comment

AIAI

ART CARTER

DAHIL

DEL PILAR

HOT CHICKZ

MY JUAN AND ONLY

PILIPINAS

REGGEE BONOAN

S-FILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with