^

PSN Showbiz

Diana, ispesyal kay Vhong !

RATED A - Aster Amoyo -
Wala ang mister ni Ruffa Gutierrez-Bektas na si Yilmaz Bektas nang isilang ni Ruffa ang kanilang second baby nung nakaraang Sabado, September 11. Hindi rin umabot si Annabelle Rama na dumating two days after.

Napaaga ng tatlong linggo ang panganganak ni Ruffa sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California kung saan din isinilang ang panganay nila ni Yilmaz na si Lorin Gabrielle nung nakaraang Agosto 3, 2003.

Ang bagong baby nina Ruffa at Yilmaz ay pinangalanan nilang Venezia Loran Bektas at may palayaw na Venice (hango sa most romantic city sa buong mundo).  Ito’y may haba na 17 inches, 5 pounds and 3 ounces.  Si Yilmaz mismo ang nagbigay ng pangalang Venice. Ang Loran ay isang Kurdish na salita na ang ibig sabihin ay maganda. Tulad ni Lorin, normal delivery si Venice kaya agad nakalabas ang mag-ina. Syempre pa, super excited si Bisaya (Annabelle) sa kanyang pangalawang apo dahil kasing ganda ito ni Lorin.

Pansamantalang nakatira ang mag-iinang Ruffa, Lorin at Loran sa condominium na pag-aari ng mga Gutierrez sa Beverly Hills kung saan din naroon ngayon ang nakababatang kapatid ni Ruffa na si Elvis. Kapag pwede nang ibiyahe si Loran ay sama-sama na silang lilipad patungong Istanbul kung saan naka-base ang mga Bektas.
* * *
Inamin sa amin ng dancer-turned comedian-TV host at recording artist na si Vhong Navarro na inaasikaso na umano nila ng kanyang ex-wife na si Bianca Lapus ang annulment ng kanilang kasal para ganap na silang maging malaya sa isa’t isa although hindi ito nangangahulugan na pababayaan na nila ang kanilang kaisa-isang anak na si Yce, now six years old.

Wala ring tahasang pag-amin na nagmula kay Vhong ang tungkol sa kanilang tunay na relasyon ng sexy star na si Diana Zubiri na unang nakilala ni Vhong nang siya’y dancer pa lamang sa Streetboys at si Diana naman ay 12-anyos pa lamang at nanonood sa kanila nang sila’y magtanghal noon sa SM-Fairview. Muling nag-krus ang kanilang landas ngayong artista na rin si Diana at dito na nagsimula ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.  Aminado naman si Vhong na very special sa kanya ang sexy star.

Sa lahat ng myembro ng Streetboys, walang alinlangan na si Vhong ang pinakasikat at pinaka-in demand. May apat na regular TV shows siya ngayon, ang Pirated CD, Wazzup, Wazzup, Yes, Yes, Show at Bida si Mister, Bida si Misis, labas pa ito sa paggawa ng pelikula at recording at pagsayaw kapag may panahon siya sa Streetboys.

Ang debut CD single ni Vhong na "Pamela Wan" na kinompos ni Christian Martinez ay umabot na sa double platinum mark.  Kasama ang nasabing hit song sa kanyang debut mini-CD album na pinamagatang "Totoy Bibbo" na siya ring titulo ng carrier single sa ilalim ng Star Records.

Ayon kay Vhong, never na pumasok sa kanyang isipan na magiging artista at singer siya balang araw.  Nakatakdang simulan ni Vhong sa Star Cinema ang D’ Anothers na ididirek ni Joyce Bernal at kinu-consider si Toni Gonzaga bilang kapareha niya.

Mapapanood siya sa SM-Bacoor sa September 18, Robinson’s Pampanga sa September 19, SM North EDSA sa September 25 at sa SM Bicutan sa September 26.
* * *
Isa kami sa masugid na tagasubaybay ng Bitoy’s Funniest Videos na talaga namang nakakatuwa. Dahil dito, nakikilala si Michael V. ngayon bilang "Master of Disguise" dahil madalas siyang magpanggap ng iba’t ibang character na lalong kinalulugdan ng kanyang mga `biktima’.

Ngayong Sabado, September 18, ipapakita rin ang mga bloopers nina Love Añover at Christian Esteban sa "Take 2 Tayo Segment" bukod pa sa mga ipagagawa sa kanila ni Bitoy (Michael V.). Kwela naman sa mga manonood ang mga nakakatawang clips na hango sa America’s Funniest Videos.
* * *
Hiwalay ang aktor na ito sa kanyang TV host-actress ex-wife at meron silang mga anak.  Pero bago pa man nagpakasal ang aktor na ito sa kanyang ex-wife ay meron na pala itong dalawang anak sa dati niyang katipan pero sa iba siya nagpakasal.  Alam umano ng ex-wife ang

vuukle comment

ANG LORAN

FUNNIEST VIDEOS

LORIN

MICHAEL V

RUFFA

STREETBOYS

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with