^

PSN Showbiz

Allen, tumatanggap ng role na tinaggihan na ng iba!

- Veronica R. Samio -
Isa siguro sa mga rason kung bakit nagawang mag-crossover ni Allen Dizon from bold movies to other genre of filmmaking ay ang kawalan niya ng kiber na tumanggap ng kahit anong role o ng mga roles na tinanggihan na ng iba, ng mga kapwa niya aktor for one reason or another.

Tulad nang pinagkakaabalahan niya ngayong Kafatid: Mga Babaeng May Lawit sa direksyon ni Toto Natividad. Ang role ay hindi orihinal na ginawa para sa kanya. Kay Raymond Bagatsing ito unang inialok. Agad niya itong tinanggap at masaya siya na pinalitan ang magaling na aktor.

Tiyak pag-uusapan din ang sexy-horror episode na ginawa nila ni Aleck Bovick sa Nginig. Umuusok na romansahan ang ginawa nilang dalawa na gumaganap ng mga illicit lovers na minumulto.

Samantala, mainit ang pagtanggap sa X magazine, sa unang issue nito na inilabas sa Japan. Si Allen ang naging cover ng X at ayon sa manager niyang si Dennis Evangelista ay halos maubos ang kopya nito, bukod pa sa maraming nagpa-subscribe dito. Marami rin ang humihiling na i-publish ito sa ’Pinas. Katakam-takam ang sexy poses dito ng lider ng Viva Hotmen.

Magkakaro’n ng grand launching ang X sa bansa ngayong Setyembre 26 sa Greenbelt sa pangunguna ni Allen, kasama sina Greg Martin at Brent Javier. Isang sexy fashion show ang inihahanda ng Silangan Communications Co., Ltd. Publication, ang publisher ng X na pinamumunuan ni Mario Heriales lll.
*****
Menopause baby pala si Eliza Pineda, isa sa mga kabataang artista na myembro ng ABS CBN Star Magic. Nine years old na siya nung Aug. 23 at ang ate niya na sinundan niya ay 26 years old na. Ang panganay nila, na isa ring babae ay may edad na 29. Muntik pa siyang di maisilang dahil nag-ballroom dancing ang mom niya nung ipinagbubuntis siya.

Kaya pala napakahusay ng batang ito na kabi-kabila ang programa sa ABS CBN– Sarah The Teen Princess, Basta’t Kasama Kita, Maalaala Mo Kaya, Sa Dulo ng Walang Hanggan at Wansapanataym. Marami rin siyang TV commercials tulad ng Selecta Moo, Touch Mobile, Selecta Ice Cream, Dunkin Donuts, Globe Lines at Regent Cakes.

Kaya marami na siyang savings, mga half a million pesos na na inilalagay ng parents niya sa bangko para sa kanyang kinabukasan. Hindi ito nababawasan dahil wala na siyang kailangan pang bilhin, mayro’n na silang bahay, kotse at kung anu-ano pang pangangailangan sa buhay, courtesy of her dad na isang manager sa isang Travel and Tours business.

Kung may bibilhin siya, na kayang ibigay ng mga magulang niya, gusto niya ay isang guard dog, dahil daw palagi silang wala sa bahay at kailangan nilang may magbantay nito.

Happy si Eliza bilang isang artista. Ang tanging naging masamang epekto nito sa kanya ay nawala siya sa honor list sa school na pinapasukan niya, sa Ann Harbor Montessori sa Biñan, Laguna.

Mahilig mag-swimming si Eiza kung kaya nung birthday niya ay nag-swimming silang buong mag-anak bilang celebration ng kanyang birthday. Nag-aaral din siya ng ballet, apat na buwan na, every Wednesday for four hours.

Pangarap niyang maging isang dentist pero kung hindi ito matupad, magiging breeder na lamang siya ng mga aso’t pusa.

vuukle comment

ALECK BOVICK

ALLEN DIZON

ANN HARBOR MONTESSORI

BRENT JAVIER

DENNIS EVANGELISTA

DUNKIN DONUTS

ELIZA PINEDA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with