^

PSN Showbiz

Naiwang concert ni Mama Elay, itutuloy

-
Sa August 14, itutuloy ng Neostar International Manpower Service producer na si Norma Evangelista ang show nina Marissa Sanchez at up-coming singer na si Kryz Evangelista, ang naiwang project ng yumaong movie columnist na si Eli Formaran. Gaganapin ang show sa Bodega City. Ang kikitain ng show ay ibibigay sa pamilyang naiwan ni Mama Elay. Kung sinuman ang artista na gustong tumulong ay pwedeng mag-share sa gaganaping show. Katuwang ni Mrs. Evangelista si Noel Orsal.

Samantala si Kryz ay naging panauhin sa kapistahan ng Tayasan, Ilo-Ilo City kasama si Angelica Panganiban kamakailan. Marami na ring pagtatanghal ang nagawa ni Kryz. Nakasama na siya ni Kyla sa Rembrandt Hotel noon. Nakarating din siya sa Bangkok, Thailand at nakapag-show na rin siya sa Japan.

Si Marissa naman, tuloy-tuloy ang swerte sa showbiz. Hindi siya nawawalan ng sa raket sa pagkanta. Kung saan-saang key cities siya naimbitahan para mag-perform at siyempre kasama niya ang one and only love niyang si Ian.

Ingat na ingat si Marissa na tumaba dahil gusto ni Ian ay maliit lang ang kanyang katawan. Panay nga ang tanggi niya sa mga sweets na ibinibigay ng mga tagahanga niya sa mga pinupuntahan niyang lugar.

Hindi na rin niya iniintindi ang mga intriga sa kanya dahil wala naman itong katotohanan bukod sa maaapektuhan pa ang kanyang career. Ang hinaharap na lang niya ay ang mga kabutihan at magagandang balita. Wala ka naman kasing mapapala sa mga paninirang-puri. Malimit din siyang mag-guest sa mga TV shows. Nagagaya niya ang iba’t ibang kilalang personalities.

Inaasahang maraming dadalo sa project na ito ng singer at komedyante na si Marissa, animo’y tribute kay Mama Elay. No wonder kaya sinikap ng producer na si Mrs. Norma Evangelista ng Neostar na maituloy ang nabiting project. Minabuti nilang lumipat ng venue para maging maluwag sa mga dadalo sa concert. Nagkatambal nung una sina Marissa at Kryz noong last year sa Rembrandt hotel. Naging patok ang kanilang tambalan kung kaya’t naisipan na muli silang pagtambalin.

Magkakaroon din ng iba pang mga special guest bukod sa dalawang nabanggit. Magiging katulong sa proyektong ito sina Direk Eugene Asis at Noel Orsal. Vir Gonzales

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BODEGA CITY

ELI FORMARAN

EUGENE ASIS

IAN

KRYZ

MAMA ELAY

MARISSA

NOEL ORSAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with