^

PSN Showbiz

5 taong mga 'StarStruck Kids' pwede nang di samahan ng parents nila ?!

- Veronica R. Samio -
Kung cute sila sa TV lalo na sa personal pero, katulad ng mga ordinaryong lilimahinhanggang pitong taon gulang na bata, napakalilikot nila! Hanga nga ako sa mga staff ng pinaka-bagong batang artista search ng GMA 7 at napaka-mapasensya nila sa mga ito.

Pero, napaka-swerte ng GMA at parang natagpuan na nila ang pinaka-matatalinong mga bata sa ating bansa. Piling-pili ang labing apat na bata na hindi man masasabing pinaka-magaganda sa buong kapuluan ay pwedeng masabing pinaka-matalino, cute na cute at very very smartttt!

Kapuri-puri nga ang pangyayaring lima hanggang pitong taon lamang sila pero pwede nang iwan ng kanilang mga magulang sa kandili ng iba. Yung 3 1/2 years old na grandson ko na hot na hot ding maging StarStruck Kid, very showbiz and intelligent pero, di pwedeng di nakahawak sa kamay ng nanay niya. Pero, yung 14 na mga StarStruck Kids were on their own the evening they faced the media. When asked kung nasaan ang mga parents nila, nasa ibaba raw ng GMA Bldg, di pwedeng pumasok sa ginaganapan ng affair. O, di ba, napaka-independent nila?!

Hosted by Jolina Magdangal na binalikan ang kanyang very colorful Jolina image, ang StarStruck Kids ay mapapanood tuwing Sabado, 6NG. Pwede ring bumoto ang TV viewers by texting StarStruck to 2364 (Globe/Touch Mobile) or 4627 (Smart/Talk ‘n Text) or by calling 1908-GMASTAR (4627827). May voting links din sa www. starstruck,tv.

Ang 14 na StarStruck Kids ay sina: Beanca Marie Binene (Bea), 6 na taon at "mayor" sa kanyang class, at "congressman" sa grade school at high school dept.; Gabriel Angelo Roxas (Gabriel), 5 years old na nawalan ng ganang manood ng TV at sumayaw nang di makapag-audition sa That’s My Boy ng Eat Bulaga. Sa pamamagitan ng StarStruck Kids, bumalik ang sigla niya; John Michael Reyes (JM), 5 years old, nanalong Little Mr. Valenzuela, Best in formal Wear at Mr. Friendship: Janella Denise Guevara (Ella), 5 yrs. old, isang Jolina fanatic at nagsusuot ng colorful attire at trendy hairstyle tulad ni Jolens. Modelo siya ng Jan.-Apr 2004 children’s wear catalogue at kasalukuyang nag-aaral ng ballet; Madelaine Allyza Mae Yu (Madi) Gusto talaga niyang maging artista dahil wala ni kaunti mang reklamo ito nang tatlong araw silang pumila para sa audition ng StarStruck Kids; Kurt Isaiah Perez (Kurt), isang pamilyar na mukha dahil napakarami na nitong ginawang komersyal. Isa marahil sa di n’yo malilimutan ay yung inuubong bata para sa isang cough medicine. Magaling ito sa pantomime na siyang ginamit niyang audition piece Miguel Tanfelix (Miguel), 5 years old, isang familiar sight sa audition dahil palagi niyang kasama ang kanyang buntis na ina. Sinabi nito na kung di siya napili ay

vuukle comment

BEANCA MARIE BINENE

EAT BULAG

GABRIEL ANGELO ROXAS

JANELLA DENISE GUEVARA

JOHN MICHAEL REYES

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

KURT ISAIAH PEREZ

STARSTRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with