^

PSN Showbiz

Dominic, titigil muna sa pag-aartista

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi naging maganda ang taong ito kay Dominic Ochoa dahil bukod sa balitang hiwalay na sila ng nobyang si Janna Victoria ay nawala pa rin sa ere ang Whattamen. May nagtatanong kung hindi kaya titigil na ang gwapong aktor sa pag-aartista?

Ayon naman sa aktor ay never siyang magku-quit sa showbiz kundi magpapahinga lang sandali. Ibibigay muna nito ang panahon sa kanyang pamilya.
Alma At Si Gerald?!!
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng intriga si Alma Moreno. Ngayon naman ay inili-link siya kay Gerald Madrid na tumatakbong konsehal ng Parañaque. Nakita raw silang magkasama sa Bay View Hotel sa Roxas Blvd.

Ayon naman kay Ness, parang anak lang ang turing niya sa young actor at may kasama siyang ibang konsehal sa hotel. Walang panahon ang aktres sa kanyang lovelife ngayon dahil prioridad nito ang kanyang political career.

Tungkol naman kina Kris at Joey, aware siya na nagkabalikan na ang dalawa. Sinabi nito na hindi pa rin annulled ang kasal nila ng dating asawa. Nasa proseso pa lang ito at sana raw ay hintayin muna ni Kris na matapos ang annulment case bago sila tuluyang magpakasal ayon pa sa aktres.
May Sitcom Na Ang New Comer!
Malaki ang naitutulong ng publisidad sa isang artista lalo na kung baguhan pa lang ito gaya nang nangyayari sa career ni Nathalie de Leon. May offer na ito para lumabas sa pelikula at telebisyon. Katunayan ay kasama ito sa isang teleserye at sitcom na pinamagatang Texas ni Mang Pedro sa Channel 5 sa direksyon ni Gil Soriano. Malaki ang potensyal ni Nathalie sa pag-arte kaya gusto nitong sumikat balang araw.

Nag-undergo ng acting workshop at singing lesson ang magandang bagets.
Jolina-No To Kissing!
Halos lahat ng kasabayang artista ni Jolina Magdangal ay nagkaroon na ng kissing scene sa pelikula o telebisyon pero hindi pa ito nangyayari sa singer-actress. Kapag ibinigay ang script ay nakasaad na may kissing scene sila ng kapareha pero hindi natutuloy dahil ayon dito ay hindi nito ma-imagine ang sarili na nakikipaghalikan sa telebisyon at pelikula.

Ngayong palabas na ang Annie B. ay wala pang ibang offer sa kanya ang Viva Films para gumawa ng pelikula. Kaya naman tatanggap na ito ng mga offer para mag-show sa abroad.

Patapos na rin ang Narito Ang Puso Ko at wala pa rin siyang offer para sa susunod na gagawin para hindi siya pagsawaan ng mga tao.

Excited na si Jolens sa bagong trabaho bilang host ng StarStruck Kids at isa sa mga dahilan kung bakit siya ang napili ng Siyete ay dahil sa pagiging mahiligin nito sa mga bata. Siya rin ang tatanggap ng Youth Achievement Award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa March 21.
Sunshine, May Tampo Sa 7?
Ayon kay Sunshine Dizon, hanggang ngayon ay tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sa Siyete dahil sa malaking suporta na ibinibigay sa kanya.

Totoo bang may tampo ito sa Siyete dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan ang bagong proyekto after Kung Mawawala Ka?

Sinabi ng aktres na normal lang ang pagtatampo pero hindi nangangahulugan na masama ang loob niya sa network. Umaasa ito na sana’y masimulan na ang bago niyang proyekto. Kung wala man siyang TV shows, may pelikula naman siya, Masikip Sa Dibdib, Boobita Rose ng Viva Films na tinatampukan ni Rufa Mae Quinto. Enjoy nga ito sa kanyang role bilang tomboy at lasengga na first time niyang gagawin sa pelikula.

Tinanggap niya agad ang role nang malamang si Joyce Bernal ang director. First time din kasi ng magaling na aktres na lumabas sa isang full lenght comedy.
Dingdong 6 Na Taon Pang Mag-Aaral!
Isa si Dingdong Dantes na naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon. Naging abala ito kaya nag-leave of absence ito sa kanyang pag-aaral. Pero itutuloy niya uli ito at magi-enrol siya this June sa Ateneo de Manila University sa kursong Interdisciplinary Studies.

Ayon sa aktor ay baka matagalan pa siya bago makapagtapos ng kursong ito dahil pakonti-konting units lang ang kinukuha niya. Kaya baka abutin pa ito ng anim na taon bago maka-graduate.

vuukle comment

ALMA AT SI GERALD

AYON

CENTER

SIYA

SIYETE

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with