^

PSN Showbiz

Joed Serrano,dadalhin kami ni Nora sa Japan

THAT'S ENTERTAINMENT ! - Kuya Germs -
Akala ko talaga, tatanggihan ni Guy (Nora Aunor) ang alok na trabaho ni Joed Serrano, isa sa ipinagmamalaki kong alaga sa That’s (Entertainment) na inabot ng swerte sa negosyo. Isa na siyang malaking show and concert producer na nagdadala ng local talents sa abroad, lalo na sa Japan and vice versa. I think may kinalaman siya sa pagkakapunta rito ng F4. Marami na siyang natutulungan na mga local talents para makilala sa abroad, partikular na yung mga nakasama niya sa That’s.

Inalok nga niya kami ni Guy ng show sa Japan sa buwan ng Mayo. Nagulat nga ako nang agad-agad itong tanggapin ni Guy. Dati kasi, parang halos ayaw na niyang lumabas ng Pilipinas.

I’m sure hindi pera ang nagbunsod kay Guy na tanggapin ang offer kundi ang pakiusap ng maraming Pinoy sa Japan na nagnanais na makita siya ng personal. Matagal na nila itong hiling sa kanya. Ngayon lamang niya sila mapagbibigyan.

Siguro, na-realize din ni Guy na hindi naman makakaapekto sa ginagawa niyang movie sa Angora Films, ang Naglalayag, ang gagawin niyang pag-alis. Isasali kasi ang pelikula sa Manila Film Festival at dahil dito, ibayong promosyon ang kinakailangan niyang gawin, bilang tulong na rin sa producer ng pelikula. Sasandali lamang naman siyang mawawala, babalik din kami agad, gaya ng pangako ni Joed.
* * *
Malaking kasiyahan naman para kay Princess Punzalan na mabigyan ng isang goodie-goodie role sa Te Amo ng GMA7. Halos lahat kasi ng ginagawa niya ay kundi kontrabida ay all-out devilish ang character niya.

Dito sa Te Amo, api-apihan siya na nabibigyan naman niya ng justice dahail naaawa ang mga TV viewers sa kanya. Ngayon, di na siya magaalala na kukurutin pa siya o kaya ay sasaktan ng pisikal ng mga manonood sa TV kapag nagmo-malling siya.

"Sabi ko nga sa kanila, role lang ang

vuukle comment

ANGORA FILMS

DATI

DITO

JOED SERRANO

MANILA FILM FESTIVAL

NGAYON

NORA AUNOR

PRINCESS PUNZALAN

TE AMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with