Si Iza na ang bumibili ng isusuot ni Segundo
- Veronica R. Samio () - January 30, 2004 - 12:00am
Sa kabila ng mga naglalabasang balita na may relasyon na namumuo kina Iza Calzado at sa kanyang leading man na si Segundo Cernadas sa soap ng GMA7 na pinamagatang Te Amo Maging Sino Ka Man dahilan sa madalas nilang paglabas na silang dalawa lamang, muling pinabulaanan ng magandang artista ang mga balita.

"Oo, lumalabas kami, kumakain sa labas, nagsa-shopping na magkasama pero, talagang hindi pa kami," ang madiing pagdi-deny ni Iza.

"Hindi ko naman masabi na ang magandang pakita niya sa akin ay isang paraan na ng panliligaw. Oo nga’t madalas kong marinig na sabihin niya ang mga katagang "I love you" sa akin pero, sa ginagawa naming telenovela lamang, hindi sa personal naming buhay. Siguro kapag narinig ko ito sa kanya na hindi kami nagti-taping ay makukumpirma ko na ang mga itinatanong n’yo. Pero, di pa sa ngayon," dagdag pa niya.

Minsan ay nagpasama ito sa kanya na mamili ng damit sa Greenhills. "Sinamahan ko naman siya pero, nakialam din ako sa pagbili ng damit niya. Marami akong pinili na nagustuhan din naman niya."

Dahil alam ni Segundo na mahilig siya sa tsokolate kung kaya panay tsokolate ang ibinibigay nito sa kanya. "Na-appreciate ko naman ito dahil mahilig talaga ako sa matamis at super romantic ako. I’m looking forward nga sa Valentine’s Day dahil lalabas kaming dalawa. Usually naman when we go out, sa sine lang ang punta namin o kaya kumakain kami sa labas."

Isa sa mga pinagbabasehan kung kaya pinaniniwalaan na may relasyon nga ang magandang Pinay at ang guwapong Argentinian ay ang ginawang pakikipag-split ni Iza sa kanyang boyfriend of almost five years. "We realize na kailangan kong mag-concentrate sa aking career at di ko ito magagawa kung nariyan siya kaya, nag-decide na lang kami to part na lang. But we’re still friends. Katunayan, may banda ito, ang Kabutehan & Friends na sa palagay ko ay sisikat in the near future. Magkaibigan pa naman kami kahit di na kami," paliwanag ni Iza who admitted na may nililigawan na ang ex niya pero, siya wala pang nakikitang kapalit nito sa puso niya.

Maganda ang kwento ng Te Amo. Tungkol sa isang hindi nakapag-aral na babae na nakatira sa isang maliit na fishing village. Minsan ay nakatagpo ito ng isang lalaking walang malay sa tabing-dagat. Umalis ito para humingi ng tulong pero bago siya nakaalis ay nagmulat ng mata ang istranghero at nakita nito ang kanyang mukha bago ito hinimatay na muli. Pero siya namang pagdating ng anak ng mayor. Aakalain ng mga sasaklolo na ito ang unang nakakita sa lalaki.

Magigising ang istranghero na walang naaalala maliban sa mukha ng babaeng una niyang nakita. Papangalanan ito ng Fernando at kababaliwan sa lugar na kinasadlakan niya.

Dalawa ang direktor ng bagong palabas, sina Lore Reyes at Khryss Adalia. Bukod kina Iza at Segundo, kasama rin sa palabas sina Johnny Delgado, Wilma Doesnt, Ryan Eigenmann, Tonton Gutierrez, Jaclyn Jose, Angelu de Leon, Elizabeth Oropesa, Princess Punzalan, Jennifer Sevilla at Jomari Yllana.
* * *
Kahit na di pang Manila Film Festival ang Milan, nagawa itong pagandahin ng husto ni director Olive Lamasan na tinatawag na "Inang" ng maraming nakakasama niya sa kanyang trabaho, including her stars.

"Nagsimula ito kay Sharon na mommy ang tawag sa akin, dahil para raw akong nanay na madalas nagbibigay ng payo. Nang malaunan naging inang na ito," pamimula ni Inang Olive sa kanyang sariling presscon para sa kanyang pelikulang Milan na kinunan niya sa Italya at pinangungunahan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto.

"Nang malaman ko na intended ito for the filmfest ay na-tense ako, palagi kong naalala na kakapusin ako sa oras. Pero, maraming nangyari para di ito nakaabot sa filmfest. Una ay na-delay yung granting ng visa sa mga kasamang aalis, kaya di na natuloy.

"Another problem was the budget, mas malaki ito than the normal budget alloted for a movie. Sabi ko, kung ibaba ang budget na napagkasunduan, huwag na lang naming ituloy, ang dami-dami naming deliberations bago nag-agree si Gabby Lopez," kwento niya.

After seeing Milan, Direk Olive can consider it as her most fulfilling film, more than Madrasta and Got To Believe. "May pagka-personal sa akin ang movie," aniya.

Ang Milan ay ika-seventh movie ni Olive in 10 years. "I’m passionate and intense in my work. Napipiga ako ng husto sa mga ginagawa ko, physically, emotionally and mentally, kaya kailangan ng spacing," pag-amin niya.

Palagay ko naman, sulit ang naging pagod at hirap nila sa paggawa ng Milan. Ngayon pa lamang ay inaabangan na ito, lalo na ng mga bagets, at ng maraming manonood na mahilig sa mga love stories, sa mga istoryang may kilig. Dito naibigay nina Piolo at Claudine ang mga hinahanap nila.

CLAUDINE BARRETTO DIREK OLIVE ELIZABETH OROPESA GABBY LOPEZ IZA NIYA PERO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with