^

PSN Showbiz

Bonggang Christmas party ni Angelica Jones

- Veronica R. Samio -
Sa hirap ng buhay ngayon, wala nang artista ang gustong magbigay ng party. Maski na ang napaka-galanteng si German Kuya Germs Moreno ay tila mandin inabot na ng krisis sa ekonomiya. Kung dati ay siya ang unang nag-iimbita tuwing Pasko sa mga press, ilang taon na rin niya itong di ginagawa bagaman at di naman siya nakakalimot ng kanyang mga regalo.

Sa taong ito, nakakagulat na nagbigay ng Christmas party si Angelica Jones sa press. Nakakagulat dahil sa taong ito lamang nagsisimulang bumongga ang kanyang career.

Baka nga di pa siya nakakabawi sa gastos niya sa maraming taon ng paghihintay na mapansin siya.

At hindi basta party ang ibinigay niya, hindi lang d’yan sa tabi-tabi kundi sa isang malaking kainan sa West na kung saan ay halos mapuno ito hindi lamang ng mga movie writers kundi maging ng mga regalo na hindi mo sasabihing basta- basta lamang dahil parang kasing-lalaki na ito ng bahay (exaggerated na ito) at talagang napakarami.

Tuwang-tuwa talaga yung press lalo na yung mga walang pirmihang pinagsusulatan and, ergo, walang pirmihang kita dahil kahit papaano ay may tinanggap silang Pamasko.

Hindi kataka-taka kung patuloy pang magniningning ang career ni Angelica, ang flawless beauty dahil marunong siyang mag-share, di siya maramot. At dahil marunong din siya at walang sawa kung manalangin sa Diyos.

In January next year, may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema, ang gumawa ng Mr. Suave. Malapit na ring maging gold ang "Miss Flawless", isang cut sa "Otso’ Otso" album ng Star Records. May offers din ang Basta’t Kasama Kita people ng mga concerts sa abroad. At dahil kasama sa cast si Angelica, siguradong makakasama siya sa biyahe.

Sa Enero 23, may concert siya sa Ratsky Morato. Birthday concert niya ito. Palagi niya itong ginagawa dahil naniniwala siya na isang magandang buwena mano ito.
* * *
Napaka-swerte naman ni Christopher de Leon dahil napakaganda ng role niya sa Mano Po 2. Di lamang siya mayroong tatlong mahuhusay na kapareha, Susan Roces, Lorna Tolentino at Zsazsa Padilla at ang role ng 2nd wife ay pinagawayan pa nina LT at Dina Bonnevie, kundi sa kanya talaga naka-sentro ang istorya. Isa siyang Tsino na nag-migrate sa Pilipinas at nagtayo ng business empire. Lubhang napaka-challenging ng role kung kaya nga sa pilian ng awards ay isa siya sa pinaka-malakas na contender for Best Actor.

Boyet is a most awarded actor in local movies –
Relasyon, Broken Marriage, Biktima, My Other Woman, Dolzura Cortez, Babangon Ako at Dudurugin Kita, Ipagpatawad Mo, Kapag Napagod ang Puso, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, ay ilan sa mga magaganda niyang pelikula na kung saan ay nanalo siya ng award.

Manalo kaya siya ulit sa
Mano Po 2? "No expectations pero, I just do my best, my very best in every movie," sabi niya.

vuukle comment

ANGELICA JONES

BABANGON AKO

BEST ACTOR

BROKEN MARRIAGE

DAHIL

DINA BONNEVIE

DOLZURA CORTEZ

MANO PO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with