^

PSN Showbiz

Sheryl Cruz kasama sa original cast ng 'Mano Po 2'

-
Si Susan Roces mismo ang nagkumpirma na dapat ay may gagampanang papel ang kanyang pamangkin na si Sheryl Cruz sa pang-MMFFP na pelikula ng Regal, ang Mano Po 2. Gustung-gusto ni Mother Lily na bigyan ng partisipasyon ang aktres na nasa Amerika ngayon na kapiling ang kanyang pamilya.

"Abala ngayon si Sheryl sa pag-aalaga sa kanyang two-year daughter. Alam mo naman sa States, walang yaya doon kaya siya ang gumagawa lahat ng mga bagay na pambahay. She is not prepared yet to make a comeback."

Noon pa napapabalitang balak-umuwi ni Sheryl dahil bibigyan daw siya ng project pero hanggang ngayon ay wala pa iyong sinasabing project kaya nananatili pa rin ang dating aktres sa kanyang pamilya. "If given the right project, gusto niyang magbalik-pelikula pero wala pa namang tamang offer kaya her home is where her husband is, where her child is," pahayag ni Ms. Roces.

Noong maluwag pa si Sheryl sa pag-aasikaso ng kanyang anak ay nagawa pa nitong mag-aral at balitang nag-tutorial pa ito ng Math subject. Huminto lang ito nang kailanganin ang kanyang full attention ng lumalaki nitong anak.

Samantala ay tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon ni Ms. Roces sa kanyang kapatid na si Rosemarie Sonora at maganda naman ang pamumuhay nila roon. Aliw na aliw ito sa kanyang apo kay Sheryl dahil kitang-kitang ang pagka-artista ng bata. Kahit saan napadako ito at nakarinig ng isang danceable music at hihinto ito para magsayaw na namana sa lolo Ricky Belmonte nito. Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

KANYANG

MANO PO

MOTHER LILY

MS. ROCES

RICKY BELMONTE

ROSEMARIE SONORA

SHERYL

SHERYL CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with