^

PSN Showbiz

Magka-on na sila ni Kristine, Jericho ibinibili pa rin ng gift si Angelika

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ngayong magkasama na sina Angelika dela Cruz at Jericho Rosales sa Sana’y Wala Nang Wakas kung saan magkakapareha ang dalawa at si Diether Ocampo naman para kay Kristine Hermosa ay malakas ang bulungan na baka magkabalikan na ang dalawa. First love nila ang isa’t isa at ang unang pag-ibig ay mahirap makalimutan, di ba?

Kahit noong magkahiwalay ang dalawa ay binibilhan pa rin ni Echo ng magagandang gamit ang aktres kapag ito’y nag-a-abroad na lingid sa kaalaman ni Kristine na ka-on niya noon. Halos araw-araw ay nag-uusap din ang dalawa para kumustahin ng aktor ang magandang aktres.

Career move ang dahilan kung bakit nagbalik-Dos si Angel at binigyan ito ng malaking selebrasyon sa kanyang unang TV appearance na ASAP Mania last Sunday. Bukod sa soap opera ay isasama pa rin sa isang sitcom ang aktres.
Mayor Vi, Dedma Sa Pambababae Ni Ralph
Pinabulaanan ni Mayor Vilma Santos na may relasyon ang kanyang asawang si Sen. Ralph Recto sa isang batam-batang babae. Ayon kay Vi, malapit na naman ang eleksyon kaya inaasahan na nilang mag-asawa ang pang-iintriga sa kanila. Ganito rin ang ikinatwiran ni Vi sa intrigang may babaeng kinalolokohan si Sen. Kiko Pangilinan.

Hindi pa alam ng star for all seasons kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa darating na eleksyon. Malalaman daw natin sa darating niyang kaarawan sa Nobyembre 3.
Malambing Pa Kay Lloyd S.
Ipinagdiwang ni Direk Maryo J. Reyes ang kanyang kaarawan sa Pansol, Laguna kung saan may bahay-bakasyunan siya. Maraming artistang nakisaya sa kanya kabilang na sina Snooky Serna, Ricardo Cepeda at Lloyd Samartino. Hindi showy sina Ric at Cookie sa kanilang affection at ayon sa mga dumalo ay mas malambing pa ang aktres kay Lloyd habang nagsasayaw sila. Matamang nakatingin lang sa kanila si Ric at hindi naman nagseselos dahil magkakabarkada sila. May nang-iintriga na bagay na bagay sina Lloyd at ang aktres.

Na-shelved man ang Bituin, Buwan at Araw ay may pelikula naman si Cookie for Metro Manila Film Festival, ang Captain Barbel.

Inspirado ngayon sa paggawa ng pelikula si Cookie lalo pa at nanalo bilang Best Drama Actress sa nakaraang Star Awards for TV.
Sabak Na Sa Trabaho
Kapapanganak lang ni Giselle Sanchez pero nakikita ko na itong guest sa iba’t-ibang TV shows. Hindi nga ito tumaba kahit noong nagbubuntis pa at ngayong nakapagsilang na ay sexy pa rin. Normal delivery ang panganganak ng magaling na komedyante kung saan gumamit ito ng Lamaze method. Tumayo na agad ito after giving birth at nag-show na rin.

Enjoy si Giselle sa pagiging mommy kaya kapag may show ay gusto na agad umuwi dahil siya ang nagbi-breast feed sa anak.
Sis, Gumaganda!
Hindi kami magtataka kung bakit patuloy na tumataas ang rating ng Sis. Ang ibang mga paksang tinatalakay doon ay nakakatuwa at very honest sa kanilang pagsagot ang mga panauhing bituin. Isa sa nagustuhan kong topic ay kung ano ang gagawin ng mga guest sakaling sa kanilang pangangalabit ay tanggihan sila nito.

Iisa naman ang naging sagot kabilang na si Gelli de Belen, nauunawaan nila kung tanggihan man sila ng kanilang asawa dahil pagod ang mga ito sa trabaho.
Blind Items: Tagabinyag Ng Bagets
Naitsika sa amin ng isang bading na kapatid sa hanapbuhay ang tungkol sa sikat na dancer-actress na nanggaling sa mahirap na angkan. Magkalapit sila ng tinitirhan kaya alam niya ang pagiging sex teacher nito. "Sa kanya raw lumalapit ang mga bagets na gustong magpaturo tungkol sa sex kung saan binibinyagan ang mga ito ng actress-dancer," sabi ng aming kausap.

Hindi lang namin alam kung binabayaran ito o talagang type lang niya ang mga gwapong bagets na lumalapit sa kanya for sex experience.

Visible ang dancer-actress sa telebisyon kung saan success story ang naging buhay dahil naiaahon ang pamilya mula sa kahirapan tungo sa kaginhawaan.

vuukle comment

BLIND ITEMS

CAPTAIN BARBEL

CENTER

DEDMA SA PAMBABABAE NI RALPH

DIETHER OCAMPO

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with