^

PSN Showbiz

Kaya ba ni Jolina ang tambalang Jericho/Kristine?

-
Marami ang nag-aabang sa magiging deklarasyon ni Fernando Poe Jr., kung itutuloy niya ang pagtakbo bilang presidente ng bansa sa darating na eleksyon. May nagkwento kasi sa amin, kapag natuloy si FPJ sa pagkandidato, malamang na mawawalan ito ng oras para gawin ang FPJ/Jolina Magdangal movie. Siguradong madi-devote ang oras niya sa pagkampanya, lalo na sa probinsya. Ano kaya?

May mga balitang lumabas, kasama raw si Jolina sa festival entry ng Viva Films. Ito yung Pilipinas...May Isang Ina. This will be directed by Joel Lamangan and is intended for the forthcoming MMFFP in December.

But according to a source na nakausap namin kamakailan, there was never an offer na nakarating kay Jolens. Wala nga raw kaalam-alam ang kampo ng dalaga tungkol dito. At nagtataka sila kung saan nanggaling ang balitang inoperan si Jolens ng role para sa festival entry ng Viva.

Almost 50% na ang nakukunan ni Direk Louie Ignacio para sa Annie Batungbakal movie nina Jolina, kasama sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera. Ito bale ang una sa pinirmahang kontrata ni Jolens sa Viva Films. Wala pa rin silang napipiling pinal na titulo, pero gagamitin pa rin daw na sub-title ang Annie B.

Nang unang isa-ere ang soap opera nina Jolina, Raymart Santiago at James Blanco, nakatapat ito sa Game KNB ni Kris Aquino. And then, as we all know, inilipat ang number one game show ni Tetay sa ibang timeslot. Ngayon, itinapat ng Siyete ang Narito Ang Puso Ko, sa seryeng tampok sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, ang Sana’y Wala Nang Wakas. At kung kukupad-kupad itong Sana’y..., malamang na masapawan sila ng lumalakas na serye nina Jolens. Ben Dela Cruz

vuukle comment

ANNIE B

ANNIE BATUNGBAKAL

BEN DELA CRUZ

DINGDONG DANTES

DIREK LOUIE IGNACIO

FERNANDO POE JR

JOLENS

JOLINA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with