Jolina, pasok sa movie ni Lolita R.
() - June 30, 2003 - 12:00am
Nakaka-eight shooting days na pala sina Jolina Magdangal para sa pelikula ng Viva Films, ang Annie Batungbakal. Ginagawa na rin niya ngayon ang soundtrack ng pelikula.

Kasama ni Jolens dito sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera sa direksyon ni Louie Ignacio.

Wala pa namang hinahabol na playdate ang Annie B. at maluwag pa kumbaga ang kanilang schedules. Pero pagpasok ng buwan ng July, malamang na magiging abala na sila rito. May inaayos pa yata sila sa scripts kaya hindi pa tuluy-tuloy ang shooting nila.

In fact, may lumabas na balitang magiging sub-title na lang ang Annie Batungbakal kung sakali. At hindi ito sequel ng naunang Annie Batungbakal na ginawa ni Nora Aunor several years back.

Kinumpirma ng aming source, totoong binago ang istorya ng movie na ito ni Jolina. And contrary to some reports, hindi tinanggal si Jordan in favor of another actor. Nagtataka nga raw si Direk Louie kung saan nanggaling ang balita, samantalang wala naman daw silang problema sa baguhang aktor.

Pinatotohanan din ng kampo ni Jolens na may alok sa kanilang pelikula which will be directed by Joel Lamangan. Magandang behikulo sana ito for the simple reason na makakasama niya ang US-based dramatic actress na si Lolita Rodriguez who’s being eyed for the lead role, pero kung hindi maaayos ang schedules niya, malamang na hindi niya ito magawa. – Ben Dela Cruz

ANNIE B ANNIE BATUNGBAKAL BEN DELA CRUZ DINGDONG DANTES DIREK LOUIE JOEL LAMANGAN JOLENS JOLINA MAGDANGAL JORDAN HERRERA LOLITA RODRIGUEZ
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with