^

PSN Showbiz

B-day ni Ruffa bilang misis ni Yilmaz pero asan si mister?

RATED A - Aster Amoyo -
Kaarawan ni Ruffa Gutierrez-Bektas nung nakaraang Araw ng Maynila at Pista ng San Juan, Hunyo 24. Two days earlier (June 22), nagkaroon ng celebration si Ruffa na ginanap sa isang restoran sa may Chinatown ng Los Angeles, California na dinaluhan ng parents niya na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga nakababatang kapatid ni Ruffa na sina Rocky at Raymond, ang kanilang mga kamag-anakan at mga kaibigan. Hindi man nakarating ang mister niyang si Yilmaz, masaya na rin si Ruffa dahil hindi naman ito nakalimot na bumati. Parang nasa tabi lang lagi ni Ruffa si Yilmaz dahil maya’t maya ay kausap niya ito sa telepono kaya updated ito kung ano ang nangyayari sa kanyang misis. Nasa Istanbul si Yilmaz nung birthday celebration ni Ruffa.

Nakalipat na rin si Ruffa sa nirerentahan nilang condo unit sa may Marina del Rey na kaharap lamang ng Ritz Carlton Hotel na malapit sa dagat. Nasa 10th floor ang unit nina Ruffa at kitang-kita ang ocean view. Since wala si Yilmaz, kasama ni Ruffa sa unit ang brother niyang si Rocky at ang katiwala nilang si Norma na siya namang caretaker ng kanilang bahay sa Beverly Hills.

Si Ruffa ay nakatakdang magsilang ng first baby nila ni Yilmaz either last week of July or first week of August. Since wala pa silang nakahandang pangalan para sa baby, Princess umano ang magiging palayaw ng bata.

Ano ang naging birthday wish ni Ruffa sa kanyang nakaraang birthday?

"My only birthday wish is nothing material. I just hope and I pray that my baby girl comes out healthy, normal and happy. Paglabas niya, I hope that this is the best gift that I can give my husband (who is celebrating his birthday on July 19). Yes, we’re both under the sign of Cancer, and I think, the baby would also be a Cancer or a Leo," pahayag pa ng soon-to-be-mom.

Ano ang pakiramdam ng isang malapit nang maging isang ina?

"Gosh, I’m sure, it will be an experience that will beat all my experiences. I’ll tell you the day I’ll hold my baby. I’m sure it’s gonna change my life 180 degrees. I’ve already actually changed. I’ve been busy with the nursery (everything almost done!). I just have to touch it up and do some color. I’ve had lactation consultation and pre-natal yoga seminar. So, everything you can expect from an excited mom-to-be. I’ve been experiencing all these things," pahabol pa niya.

Sinabi rin ni Ruffa na ibi-breastfeed niya ang kanyang baby.

Syempre pa, parehong excited ang grand parents-to-be na sina Eddie at Annabelle.

Until December 15 lamang ang pinirmahang rent nina Ruffa at Yilmaz dahil after December 15 ay uuwi sila ng Pilipinas para dito pabinyagan ang bata at pagkatapos ay saka naman sila tutuloy ng Istanbul para naman makita ang baby ng pamilya ni Yilmaz.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ANO

BABY

BEVERLY HILLS

EDDIE GUTIERREZ

LOS ANGELES

NASA ISTANBUL

RITZ CARLTON HOTEL

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with