20 songs a day ang kinakanta ni Nina bilang praktis
PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan () - May 9, 2003 - 12:00am
Hindi magkamayaw ang audience ni Nina, ang tinaguriang "soul siren" nang datnan ko siyang kumakanta ng mga kanta ni Mariah Carey sa kanyang regular gig sa Suburbia nung Martes ng gabi.

Sa isang baguhan na tulad ni Nina ay napakabilis ng pag-angat ng kanyang singing career. Nagsimula ang lahat nang mag-submit siya ng isang demo tape sa Warner Music. Agad-agad ay pinapirma siya ng contract at ginawan ng album na "Nina: Heavens". Naglalaman ito ng 10 songs, dalawa rito ay pawang mga remake. Ang carrier single na "Jealous" ang naging daan para madali siyang makilala. Umabot na rin ng gold ang kanyang album.

Marifil Nina Girado
sa tunay na buhay, siya ay 22 years old na nagtapos ng Accountancy sa Miriam College. Pangatlo siya sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang musician at nurse naman ang ina nito.

Sa edad na limang taon, mahilig na talaga siyang kumanta. At seven ay soloista na siya ng isang banda. Marami siyang sinalihang singing contest no’ng bata pa siya. Naging seven weeks winner din siya sa Tanghalan ng Kampeon, champion sa Kids Broadway ng SM tilt at naging scholar ng Center for Pop na kung saan niya natutunan na tumugtog ng gitara at piano. Matiyaga rin ang ama niya na magturong kumanta noong bata siya.

"Nilulublob ako sa balde ng tatay ko, kasi wala namang dagat sa amin. Pinakakanta niya ako ng 20 songs a day. Tinuruan din niya akong kantahin yung mataas na nota at yung mababang tono. Dati kasi siyang member ng Bayanihan Vocal Group," kwento ni Nina. Pero sa kasamaang palad hindi nito inabutan ang kasikatan niya dahil pumanaw ito two years ago. "Sayang hindi man lang narinig ng daddy ko ang album ko at ang gumaganda kong career ngayon. I missed him so much," malungkot niyang sabi.

Eight months pa lang ang itinatagal niya sa showbiz pero nakabili na agad siya ng bagong kotse na Nissan. Kasabay ng kanyang pagsikat ang pag-ulan ng maraming intriga at pagkumpara sa kanya sa ibang singer partikular na kay Kyla na kasama niya sa SOP.
* * *
Hindi naman yata makatarungan yung ginawa sa akin ng dalawang agent na sina Louie Neyra at Gay Punzalan ng Starmall Camella Shaw Boulevard. Nag-tripping kami ng napakaaga noong Miyerkules dahil hinahabol namin yung promo nila. Two o’clock ng hapon ng araw ding yun ang usapan namin pero gabi na sila dumating sa office. Dun pa lang ako nakapirma ng kontrata at nakapagbayad ng reservation fee. Eh di siyempre halos di ako makatulog sa sobrang excitement. Imagine magkakaroon na ako ng sariling bahay!

Kinabukasan tinawagan ako nung dalawang agent at pinag-pasa-pasahan ako dahil meron na raw nauna sa bahay na napili ko. Dahil yung kilala raw nung kasama nila sa Marketing ay nauna nang nagbayad kesa sa akin. Ganun palakasan pala! Samantalang gabi na ako nakapag closed ng deal sa kanila, panay pa ang tawag ni Louie sa office nila pero wala namang sinabi sa kanya na ganun. Di pa siya nag-abiso na pumipirma na ako ng kontrata. Kasi raw yung buyer na kilala nga nila eh hinabol lang ang reservation nung gabi ring yun. At ako, hindi naghabol eh kinansel ko nga lahat ng lakad ko para lang sa promo nila. Kung gusto ko raw, hintayin ko na lang yung buyer na magbago ng isip mga after one or two months. Tama ba yun? Pinipilit pa nila akong kunin yung isang bahay na gusto nila eh ayoko naman doon dahil crowded na. Eh para saan pa yung pinirmahan kong kontrata at ibinayad kong pera?!

AKO BAYANIHAN VOCAL GROUP LOUIE NEYRA MARIAH CAREY MARIFIL NINA GIRADO MIRIAM COLLEGE NINA SIYA YUNG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with