^

PSN Showbiz

Ayaw ni Jordan ang mga ini-reveal ni Jojit de Nero

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Impressive ang new batch of artists na ilu-launch ng ABS-CBN Talent Center sometime in April. Kinabibilangan ito nina Emman Abeleda, Sergio Garcia, Reyver Cruz, Miko Aytona, Mhyko Aquino at John Wayne Sace. Pawang mga dating child stars ang nabanggit na ngayon ay mga binatilyo na. Kasama rin sa new batch ang mga pamangkin ni Claudine Barretto na sina John at Cholo Barretto, Pia Romero, Nikka Peralejo, Glaiza de Castro at mga commercial models na sina Pauleen Luna, Jill Yulo, Mydeleine Humphries, Sarita Perez de Tagle, Pascal Greco, Paolo Paraiso, Dustin Reyes at Brian Tan. At ang kinagigiliwan ngayong Ja-Boom Twins na si Jaja at Boom-Boom na regular na napapanood sa Masayang Tanghali Bayan.

Ongoing na ang 45-day training ng mga bagets on acting, singing, dancing, ethics, hosting at personality development under acting expert Beverly Vergel. Si Biboy Arboleda ang tumatayong image consultant ng new batch.

Ang mga nabanggit ay mula sa ilang daang dumaan sa series of auditions of go-sees na isinagawa ng Talent Center sa loob ng ilang buwan. Si Luz Bagalacsa ang na-assign ni Talent Center big boss Johnny Manahan na artist representative o talent handler ng new batch.

Abangan ang bonggang launching ng mga bagong contract artists na ito ng Talent Center ngayong summer.
* * *
Wala pa rin talagang kupas ang kahusayan ni Cristy Fermin bilang isang talk show host! Muli itong pinatunayan ni Tita Cristy sa pilot telecast ng S2 (Showbiz Sabado) noong Sabado. Aminado ako sa Showbiz Linggo at Cristy Perminute days pa lang niya ay hanga na ako kay Tita Cristy bilang host. Hindi pa kasama diyan ang kanyang pagiging mahusay na manunulat.

Kaya nga nang opisyal na ang balitang magbabalik si Tita Cristy bilang isang talk show host ay natuwa ako. Ngayon ko lang aaminin ito, walang pwedeng pumantay kay Tita Cristy bilang isang host. Although masasabi kong iba rin ang istilo nina Kris Aquino at Boy Abunda.

Isa sa hinahangaan ko kay Tita Cristy ay ang kahusayan niyang maghimay ng isyu. Mahusay siyang magtanong even the most controversial question na hindi nau-offend ang kanyang guest. Isang katangian ’yun para sa akin ng isang mahusay na host.

Going back sa S2, hindi ko kinaya ’yung rebelasyon ni Jojit de Nero na nagmamahalan (read: lovers) sila ni Jordan Herrera. Matagal nang tsismis na lovers sila but it was only in that interview ni Jojit sa S2 nakumpirma ito. Kwento nga ni Michelle Riano, isa sa mga segment producers ng said talk show, "May picture silang dalawa sa room ni Jojit na may dedication ni Jordan. ‘Ga’ ang tawagan nila! Nagkatampuhan nga sila dahil may usapan sila ni Jordan na kapag nanalo siya sa Star Awards, pasasalamatan niya si Jojit. ’Yung ‘Ga’ na babanggitin ni Jordan, si Jojit ’yun. Eh ang kaso, hindi nabanggit ni Jordan. Kaya nagtampo si Jojit. Pero okey na sila ngayon," kwento ni Michelle.

Pero ano itong nakarating sa amin na snock-boogie si Jordan sa statement ni Jojit sa S2? Hindi raw ito makapaniwala sa kanyang nakita at narinig.

As we go to the press, nakatakdang magpainterbyu si Jordan sa The Buzz naman para i-deny ang rebelasyon ni Jojit.

Gusto naming batiin si Tita Cristy, kasama sina Edu Manzano, Alfie Lorenzo at Ogie Diaz sa maganda nilang pilot telecast!
* * *
Ngayong araw ay espesyal para sa kaibigan kong si Bern Duenas, isa sa pinakamahusay na make-up artist ngayon sa showbiz. Si Bern ay ilang taon na sa kanyang trabaho sa pagpapaganda. Nagsimula siya bilang isa sa mga in-house make up artist ni Bhoy Navarette. Hanggang sa nagdesisyon si Bern na mag-freelancer na lamang.

Walang kiyemeng aminin ni Bern na 39 years old na siya kaya nga raw magbibigay siya ng party sa kanyang mga kaibigan at katrabaho. Aniya, marami siyang dapat ipagpasalamat sa buhay. Kaya isang dinner party ang inihanda niya ngayong gabi sa Cork Wine Cellar & Grill sa The Loop ng ELJCC.

Happy Birthday, Bern! May God continue to shower you with more blessings and God all the desires of your hearts!

vuukle comment

ALFIE LORENZO

BERN

CENTER

CRISTY

JOJIT

KAYA

TALENT CENTER

TITA CRISTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with